16

616 30 110
                                    

It's passed midnight when I arrived home. Nag commute ulit kami ni Caly hanggang sa village namin at mula naman dito, saka siya sumakay ng cab para makauwi sa bahay nila. Sinigurado niya rin kasi muna na makakaharap niya si Mommy at Daddy bago siya umuwi.

Fortunately, they stayed up late at night to wait for me to come home. Hindi naman sila nagalit. They just asked Caly about how many shots I downed and he answered with all honesty. Pagkatapos noon, pinakawalan na nila kami pareho. Mukhang hindi naman big deal sa parents ko since legal age na kami pareho at maingat naman akong nakauwi.

And I was actually expecting to fall asleep immediately after I took the shower but I was wrong. Hindi ako dinapuan ng antok kahit pa alam kong marami akong ininom kaya nagdesisyon nalang ako na imessage si Caly para tanungin kung normal ba 'to.

Rich Dela Vega: Cal, gising ka pa?

I sent it on his facebook. Wala kasi akong number niya para maitext. Alam ko lang ang social media accounts niya dahil kay Caius.

Caly Mikhail: Tulog na, bakit?

I rolled my eyes and laid my back on the headboard before I typed my reply.

Rich Dela Vega: Edi sleepwell

Caly Mikhail: Hahahahaha

Caly Mikhail: Anong meron? Hindi ka makatulog?

Caly Mikhail: O nagsusuka ka na?

Woa! Talagang ang hina ng tingin niya sa akin. Hindi nga ako nalasing, e!

Rich Dela Vega: Hindi ako nagsusuka. Hindi lang ako makatulog. Normal ba 'to?

Caly Mikhail: Hindi. Magpacheck up ka na.

I gasped for air to contain my anger. Sa aming dalawa, mas siya ang mukhang lasing at hindi ako. Nakakainis. Napakawalang kwenta kausap sa chat. Paano kaya tinatagalan ng mga babae 'to?

Rich Dela Vega: Thanks sa advice. Big help! :)

That's the last message I sent before turning off my phone. Maiinis lang ako lalo kung kakausapin ko pa. Saka isa pa, baka expired na rin 'yung kabaitan niya. Masyado niya yatang dinidibdib 'yung puri ko sa kanya kanina.

I tried to sleep and successfully did it after the tutorials on google. Sabi kasi doon, think of five different things that aren't connected to each other so that the brain would work and drain the energy. Yun ang ginawa ko kaya nakatulog kaagad ako. Inaasahan kong may head ache ako katulad ng experience ni Cai noong unang beses na nalasing siya dati sa event ng family niya, kaso wala akong naramdaman. This is really unbelievable.

Rich Dela Vega: I didn't got any hangover. Why is that?

I sent it to Caly. Ilang saglit pa, nagreply na rin siya.

Caly Mikhail: Immortal

I rolled my eyes. Inis kong iniwan na seen 'yon bago nagpatuloy sa pagkain ng umagahan. I just felt extra tired today but I couldn't feel any hangover or head ache kaya nakapagrelax pa ako buong araw.

Hindi naman kasi ako sanay lumabas masyado. I just get used to the comfort of home for me. Paminsan minsang lumalabas kasama sina Mommy at Daddy, pero madalas, sa bahay lang talaga ako. Unless Caius would call me to go there and help him with the album, doon lang ako lumalabas. But since he's already done with it and malapit na irelease 'yon, wala na akong masyadong naitutulong.

I got bored of course.. with the same routine everyday. Minsan, gusto ko nalang pumunta ng North Carolina para kay Faith pero sa tuwing iisipin ko na hindi pa tamang panahon para magpunta doon dahil hindi pa siya okay, nauuwi sa wala ang plano ko. I just want to go to school and continue my college, sa totoo lang. I want to be like those normal people who gets to see what's outside. Magandang idea nga 'yon. Okay na naman ako at sa Hawthorne ako mageenroll kung sakali.

dusk beneath the city lights | Buenvenidez Series #4 [COMPLETED]Where stories live. Discover now