1

1.6K 42 65
                                    

"Max Buenvenidez.."

I could never forget the first time I saw him and the first time I had a crush on him. Isa yata 'yon sa bagay na kahit tumanda ako, aalalahanin ko parin. Ganoon ang epekto niya sa akin.

It was when I was in fifth grade, yes, grade school, when I met him. Nasa eighth grade na yata siya at mukhang highschool na based sa uniform niya noon. I was home schooled but there are few times that I had to attend some regular classes like what I attended that particular day.

The weather was bad that day and I was waiting for my driver to arrive when the rain poured hard. Hindi ako makaalis noon sa building dahil wala akong payong manlang. Walking on the pathwalk will be useless to because I'd literally soak from the rain kaya nagtyaga ako maghintay noon kahit halos magdilim na.

The guard approached me that time as I could remember. I felt bad that he had to walk in the middle of the rain just to ask me why was I still there.

"I'm still waiting for my driver po.." Magalang ko pang sagot noon.

"Naku, hija, magsasara na 'tong building.. matagal pa kaya ang sundo mo?" Tanong niya.

Of course, I don't know. I was just a kid back then. I feel like a lost kitten that moment. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya nag offer nalang ang guard na ihahatid niya ako hanggang sa guard house at doon nalang maghihintay, kaso nga lang, kinakailangan niya munang isara bawat exit ng gate kaya iniwan niya muna ako doon.

Sakto naman na pag alis ng guard ay ang pagdating ng isang lalaki. He's tall, actually taller than the boys in his age. Maputi at barber's cut pa nga ang haircut, 'yung required sa mga lalaki sa school na 'to. In his looks, he has a touch of foreign features. Halatang hindi purong Pilipino dahil nga foreign ang itsura lalo na ang malalalim na mga mata at mapupulang labi.

He's obviously older than me. Sumulyap saglit sa akin at magalang pang ngumiti bago binuksan ang malaking payong. From there, he asked me..

"Hindi ka pa pauwi?" Iyon ang pinaka una niyang sinabi sa akin.

Hinding hindi ko makakalimutan.

"Naghihintay pa ako ng sundo ko." 'Yun lang ang naisagot ko sa mga oras na 'yon.

"Matagal pa raw ba?"

Hindi ko nga inasahan noon na magtatanong pa siya. Yung ibang highschool students naman kanina, nilampasan lang ako, siya lang ang bukod-tanging lumapit pa para lang tanungin ako.

"Hindi ko alam, e,"

"Gusto mo, icheck ko para sayo? Kung nasa labas na ng campus? Tapos babalikan kita dito para ihatid kung nandoon na?"

Nanlaki ang mga mata ko. No one has offered me a help like that that particular day so it caught me in awe.

"Pwede ba?" I asked. Grabe ang kabog ng dibdib ko noon.

Tumango siya at ngumiti ng bahagya. Iniabot niya rin sa akin ang bag niya na parang wala namang laman.

"Sayo muna, baka mabasa, e. Okay lang ba? Mabilis lang naman ako." Aniya.

Tumango at ngumiti. Tinanggap ko ang bag niya at agad na niyakap 'yon. It smelled like him. From that day, too. Nakaregister na sa isip ko ang amoy noon.

He opened the umbrella and walked in the middle of the rain. Naka uniform siya at kitang kita ko kung papaano nabasa ang pants niya dahil sa lakas ng ulan. Pinanood ko lang siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

I count continuously as I waited for him. Matagal siya bago nakabalik pero mas matagal yata 'yung guard na nagsabing tutulungan ako. Siguro marami pang inaayos sa loob ng building.

dusk beneath the city lights | Buenvenidez Series #4 [COMPLETED]Where stories live. Discover now