23

673 31 141
                                    

It was nothing.

Paulit ulit kong tinatatak sa isip 'yon sa tuwing maaalala ko ang gabing 'yon. I told myself that it didn't happened. Nothing happened. We were drunk and we kissed. That's all.. we kissed.

"Puta..." I muttered beneath my breath while I was using the threadmill. Itinigil ko 'yon para punasan ang pawis na tumutulo sa mukha ko.

I sighed heavily and tried to think of different things to forget about that certain part. Ayaw kong alalahanin 'yon at ayaw kong maalala pero hindi mawala sa utak ko.

Dapat pala naglasing ako ng sobra noong gabing 'yon, edi sana, talagang wala akong maalala kinabukasan kaso meron parin, e. Hanggang ngayon, naaalala ko parin. I even had to book for another hotel room just to get rid of it but I couldn't! It was stuck in my head, rent-free.

Wala na namang iba pang nangyari bukod sa halik na 'yon. After I gave him my gift, nagpaalam na akong matulog kahit alam kong hindi ako makakatulog ng mahimbing dahil sa nangyari. At kinabukasan, pagkagising ko, wala na siya sa hotel room.

Maybe he's just used to leaving the place early in the morning with a simple note he left on the table saying that he didn't woke me up anymore because I was sleeping very soundly. Nakatanggap rin ako ng message mula sa kanya sa parehong araw. Tinupad niya nga siguro ang usapan namin dahil hindi siya nagtanong tungkol doon.

Well, of course, Rich. Ano bang itatanong noon? He's used to kissing girls anytime and anywhere without hesitations at ganoon lang rin ang nangyari sa inyo. There's nothing special in it. As if he owes you anything for pete's sake! You're already 21 and he's 26! Pareho na kayong matanda! Hindi ka na bata para gawing big deal ang halik na 'yon!

Hindi na ako nagpatuloy pa sa threadmill. I guess burning fats is fine now. Siguro naman, hindi na ako mahihirapang pumili ng susuotin ko para sa fashion week. Schedule ko kasi ngayon para sa fitting so I needed to burn some fats I gained from last week.

"Masyado kang busy d'yan! Kailan ka uuwi dito?"

Sumulyap ako sa laptop na nasa kama ko. It's on facetime because Faith seemed to be bored in their library. Tumawag siya sa akin habang nag aayos ako ng sarili.

"Magfi-fitting lang ako ngayon. Baka umuwi rin ako this week. Bakit? May problema ka ba d'yan? May nangaaway sa'yo?" I asked.

She shook her head, "Wala naman. Baka lang may boyfriend ka na d'yan, hindi mo lang sinasabi kaya hindi ka umuuwi dito—"

"Wala!" Agap ko sa kanya.

Tumawa naman siya, "Eh? Diba sabi mo, nag bar kayo last week. Kasama mo sina Caly, wala kang nakilala doon—"

I cut her off immediately when I heard his name.

"Wala nga! Sasabihin ko naman kung meron, e!" I said.

Lalo siyang tumawa, "Okay, fine. Ang defensive mo masyado. Wala nga problema sa akin kahit magpakasal ka pa ngayon, e..."

I rolled my eyes, "Kanino naman ako magpapasakal, Faith?" tanong ko.

"Anong sakal, Rich?! Ang kalat mo!" Aniya saka tinakpan ang tenga. Natawa tuloy ako sa reaksyon niya kaya hindi ko mailagay ng ayos ang falsies ko.

"Mauna ka nang magpakasal, Faith. Ayaw ko pa." I said.

Bukod sa wala naman kasi akong pakakasalan, sa aming dalawa, alam kong mas responsable si Faith pagdating sa ganoong bagay. Isa pa, she still loves Augustine. I just know that when they'd get a chance to be together again, they'll eventually get married. Ganoon kahanda noon si Faith, alam kong ganoon rin si Gust sa kanya.

dusk beneath the city lights | Buenvenidez Series #4 [COMPLETED]Where stories live. Discover now