13

606 26 117
                                    

"Ate, pakuha nung wallet ko sa kwarto."

Takang tumingin sa akin ang kasambahay nang kausapin ko siya habang papalapit ako kung nasaan si Caly. Nagaalinlangan man, sumunod rin at nagmadaling umakyat papunta sa kwarto ko.

Nanatili akong nakatayo sa harap ni Caly samantalang pinapanood niya naman ang bawat kilos ko kaya napakunot na ang noo ko.

"Wait lang sa bayad..." ani ko sa kanya saka humalukipkip habang hinintay ang pagbaba ng kasambahay namin.

Nagmamadali itong lumapit sa akin para iabot ang wallet ko at agad rin naman akong kumuha ng bill doon para ibigay kay Caly.

"Hindi ko alam kung magkano ang dinner ko." Abot ko sa kanya ng five hundred peso bill.

Ngayon lang ako nakakilala ng tao na pupunta pa sa bahay para lang maningil ng sukli, sa totoo lang!

"Huh? Ano namang gagawin ko dyan?" Tanong niya habang nakatingin sa kamay ko.

I snorted and rolled my eyes. "Bayad ko? Nandito ka kasi sinisingil mo ako?"

"Huh? Bano ka ba?" Nakasimangot niyang tanong saka marahang tinabig ang kamay ko.

Inis akong tumingin sa kanya. Hindi naman masakit ang pagtabig niya pero mukhang inis na inis siya sa ginawa ko. Siya na nga ang binabayaran, siya pa galit!

"Ikaw yata 'tong bano, e. Bakit ka nandito? Naniningil ka ng utang diba?"

He frowned and rolled his eyes. Marahas siyang nagbuntong hininga bago tumayo kaya halos manliit ako at tingalain ko siya dahil sa height difference namin.

"Uwi na ako." Aniya.

Kumunot ang noo ko sa kanya at bahagyang napanguso.

"Hatid na kita." I insisted.

His lips parted a bit and he laughed sarcastically, "Ay wow, thank you." Attitude niyang sabi.

"Problema nito?" Inis kong sambit.

Umiling siya saka ipinasok ang magkabilang kamay sa bulsa ng sweatpants niya. His lips are still pouted as he slowly walks outside. I tailed him to the porch until we reached the gate. Inaasahan ko na ngang makikita ko ang sasakyan niya sa labas pero walang sasakyang nakapark doon kaya nagtaka ako.

"Asan kotse mo?" I asked him, looking around the street.

"Nag grab lang ako." Paliwanag niya.

"Papunta dito?" I asked. Tumango naman siya. "Bakit ka ba pumunta dito? May naiwan ba ako sayo?"

Nagkibit balikat siya at walang pakundangang naglakad na ng tuluyan sa labas para simulang tahakin ang gate nitong village. Ang layo pa naman non!

"Huy! Bakit ka nga nandito?" Pang ilang ulit ko sa tanong.

Nagkibit balikat ulit siya at hindi manlang ako tinitingnan. Dire diretso ang lakad niya kaya sinundan ko nalang siya.

"Ah, sinigurado mong nakauwi ako? Hindi ba sinabi ng driver sayo?" Hula ko habang nakatingin sa likod niya. He's so tall and his body is in a very good shape. Kahit nakatalikod siya at simpleng oversized tshirt, kitang kita parin ang laki ng katawan niya.

"Sinabi."

"Oh, sinabi naman pala, e.." Ani ko na lalo lang ikinagulo ng utak ko.

"Sinabi nga." Ulit pa niya.

"Kaya nga."

"Oo nga."

I rolled my eyes and frowned at him. Binilisan ko ang lakad ko para mahabol siya. His single step is a five step for me yata. Ang hirap habulin ng matangkad, mabilis maglakad.

dusk beneath the city lights | Buenvenidez Series #4 [COMPLETED]Where stories live. Discover now