25

752 30 233
                                    

"Rich..."

Pinanliitan ko ng mga mata si Faith habang nakaupo siya sa harap ko. Pinapanood akong magimpake ng gamit at minsang inaabot sa akin ang mga nilalagay ko sa bag.

"Sama ako..." Aniya.

Tumigil ako sa pagaayos at mariing napapikit nang may naalala.

"Sure ka?" Tanong ko sa kanya, pilit na winawalis ang boses na nasa isip ko..

She chuckled and shook her head cutely. I rolled my eyes.

"Joke lang! Next year siguro."  Tawa pa niya.

"Bakit ayaw mo pa ngayon? Babalik rin naman ako next week." I said.

One week lang naman kasi talaga ako sa Manila. I will just attend a project runway and Tita Agatha really requested me to participate. Naisip ko na ring pagbigyan para makapagcelebrate din kami nina Mommy sa pagkakapanalo niya bilang Governor.

"Eh! Busy ako! Nay aattendan ako na exhibit. Mamimili rin ako ng paintings... at sure ka bang one week ka lang doon?" Tanong pa niya.

Tumango ako. She then smirked.

"Birthday ni Max kaya ka uuwi, e.."

I bit my lips when I heard the word birthday. Parang may kung ano sa tyan ko at hindi ako mapakali.

This has been going on for weeks and I don't like it. I don't like feeling like this—remembering a certain person at everything that I am doing.

"I'm not going to meet Max. Sa tingin mo ba may panahon pa ako para kitain 'yon? I bet he's busy too." I said and continued packing up my things.

Actually, kaunti lang naman ang dala ko at hand carry lang 'yon kaya mabilis ko ring natapos.

"Aba, ewan ko kung gaano ka karupok sa kanya.." Natatawang sabi ni Faith.

Napailing ako sa kanya at pinakisamahan nalang siya dahil buong araw niya yata ako planong asarin. She kept on nagging me about Max.. eh iba nga ang nasa isip ko ngayon.

I took a quick shower and prepared myself for a quite long flight. I just wore a simple black jeans, sweatshirt and a sneakers to look comfortable. Inihatid ako ni Faith hanggang sa airport at masyado pa siyang maraming paaalala bago niya ako pinakawalan.

I spent the whole 18 hours flight sleeping on the plane. It was far the longest rest I've ever had since I went back in U.S. Masyado kasing hectic ang schedules ko kaya hindi ako nakakapagpahinga masyado. At gusto ko naman 'yon dahil ayaw ko talagang nababakante ang iniisip ko dahil hindi parin mawala sa isip ko si Caly.

Kahit naman ayaw kong tanggapin, hindi ko maipagkakailang siya ang laman ng isip ko. Everything that happened between us— small or big, intimate or not, was really something else. Maybe because it's always about my firsts. And he was the one I am with. Ganito rin naman siguro kung ibang tao ang kasama ko. Nagkataon lang talaga na si Caly 'yon kaya siya ang iniisip ko ngayon.

Naalala ko na naman kung ilang araw akong hindi pinatulog ng halik niya. I know it's nothing compared to the ones he had with his exes but I just couldn't let go of it. Hindi ko matanggap na ang dali ko lang bumigay sa kanya. Imagine, I even kissed him back.

For what? For nothing. Definitely nothing.

I wasted one of my firsts for nothing. He was just probably aggressive and I was just naive that time so I became a prey. I let my guards down and that was a mistake.

Sinalubong ako ng mainit na hangin nang Manila pagbaba ko sa eroplano. I walked casually wearing my aviators to escape the eyes of the people. Hindi ko sure kung nakikilala nila ako pero siguro nga. Mabuti na nga lang dahil hindi nila ako masyadong nilalapitan.. hindi katulad kapag artista dito.. masyado nilang pinagkakaguluhan.

dusk beneath the city lights | Buenvenidez Series #4 [COMPLETED]Where stories live. Discover now