14

618 29 100
                                    

I looked forward to the following days until Friday came. Huwebes palang ng gabi, handa na ang susuotin kong damit para sa lakad namin ni Caly ngayong araw. Nagpaalam na rin ako kay Mommy at Daddy at pinayagan nila kaagad ako dahil alam naman daw nila na responsable si Caly.

Well, syempre, hindi ko siya pag-iisipan ng iba lalo na dahil utang ko sa kanya ang bagay na 'to. If not because of him, I wouldn't look forward on some better days.

"You're spacing out, Cai." Puna ko kay Caius na nakaupo sa harap ko at nakatingin sa kawalan. Narito muli ako sa veranda nila habang hinihintay ang Kuya niya na dumating.

"Huh?" Sumulyap siya sa akin.

Napairap ako at humalukipkip sa harap niya. "Ano? Naiisip mo na ba kung itutuloy mo ang movie niyo ni Sofia?" I asked, pertaining to his old childhood crush.

Tumango siya at ngumuso. Nagpangalumbaba siya sa harap ko habang nasa kawalan parin ang tingin.

"Gusto mo ba?" Tanong ko pa ulit.

"It's a good project. Magaling 'yung director at veteran ang mga makakasama namin kaso..."

"Kaso ano?" Tanong ko.

He sighed heavily saka ginulo ang buhok. "Sabi ng manager ko, baka raw may kissing scene kami."

"Oh, tapos?"

Lalo siyang ngumuso. "Ayaw ko, Rich. Gusto ko si Kestrielle ang first kiss ko." Maarte niyang sabi na naging dahilan ng pagktawa ko ng malakas.

I literally laughed like there's no tomorrow! How come they haven't kissed yet! Gosh, ang hina naman nitong kaibigan ko! Alam ko ay nagpunta na siya sa New York para dalawin 'yon at palagi silang nagde-date so bakit hindi pa sila nagkikiss?!

Pero sabagay, wala rin akong first kiss and I think I'm gonna save that for marriage. Baka ganoon rin si Cai kaya nagdadalawang isip siya sa project nila. He's saving the first for her at ako naman, hahalikan ko lang ang lalaking pakakasalan ko. I promised myself that thing.

"Fake the angle. Sabihin mo, you're not ready." I said after I regained myseld from laughing hard.

Hindi kasi ako boto na maging ka loveteam niya si Sofia pero pinipilit siya ng management dahil lang alam ng fans na naging crush ni Caius si Sofia dati.

Sus, kung alam lang nila! Hindi ba nila nahahalata na ginagaya nitong si Sofia ang style ni Kestrielle? Halatang halata! Ang dami kong nakikitang photos lately, Kestrielle is the standard.

"What about the workshop?" Namomroblemang tanong ni Cai.

I sighed. "Ipakausap mo nalang sa Mommy mo ang director kung ayaw mo talaga. Magagawan mo ng paraan 'yan. Ikaw pa ba." I scoffed.

He chuckled, "Right! Galing mo! That's a good advice!" Aniya saka agad na tumayo para kunin ang phone niya.

He dialed something there before he excused himself kaya naiwan na akong magisa dito ngayon. He's using his privilege now to save his ass, huh.

I looked back on their wide garage. Nakahalera doon ang halos lahat ng klase ng sasakyan at may isa lang na bakanteng spot dahil wala parin si Caly.

Caly told Caius na five in the afternoon pa ang arrival ng flight niya at maaga pa naman kaya dito na muna ako tumambay para matulungan ko rin si Caius sa pag aayos ng album niya lalo na dahil irerelease na 'yon kasabay ng announcement sa movie project nila if ever. Masyado nga lang siguro talaga akong excited dahil handang handa na ako para sa mamaya.

"Rich, parating na daw si Kuya. Kumain ka na raw muna sa baba dahil kumain na siya sa airport!" Caius' voice echoed inside. Mukhang nasa kwarto na siya at isinigaw nalang ang sasabihin.

dusk beneath the city lights | Buenvenidez Series #4 [COMPLETED]Where stories live. Discover now