4

695 29 96
                                    

"Si Kuya?"

Magulo pa nang buhok ni Caius nang bumaba siya mula sa grand staircase kasunod ni Max na ngayon ay mukhang may kausap na sa phone.

"Umalis, badtrip.." Sagot ni Ate Sien sa kanya, natatawa parin.

"Eh? Sasali daw siya mag Assassin's Creed sabi niya," Lumapit si Caius sa amin at sumalampak sa single couch bago bumaling sa amin ni Faith. "Kanina pa kayo?" Tanong niya.

"Sakto lang.."  Sagot ni Faith.

"Naabutan pa nila si Kuya," Si Ate Sien.

"Oh, binati kayo?" Tanong ni Cai sa amin ni Faith.

Umiling ako, "Hindi nga niya yata kami nakita."

Nahiya lang akong sabihin na puro mura ang bati sa amin, e. Nakakaloka. I've never heard anyone curse that loud and that harsh.

Lalong tumawa si Ate Sien. "Bulag 'yon kapag badtrip. Sayang, manlilibre pa naman sana 'yon ngayon. Sana pala hindi ko na ginalit.."

"Ano ba kasing ginawa mo? Galit na galit, e."

Dumalo si Max sa amin at umupo sa tabi ni Ate Sien. Kakatapos lang yata ng phone call niya. Sino kayang kausap niya?

Nagkibit balikat si Ate Sien saka pinatay ang iPad. Pinatong niya 'yon sa table at sumenyas sa kasambahay para yata sa lunch namin.

"Duwag, e. Pinakita ko lang naman 'yung trailer ng movie na papanoorin namin dapat." Sagot ni Ate Sien.

"Kita mong sa porn lang mahilig 'yon, e—"

"Max, may bata!" Agap ni Ate Sien saka siya binato ng throw pillow.

"Ay joke. Namis-heard niyo lang. Corn 'yon. Mahilig sa corn si Caly." Natatawang bawi ni Max.

Hindi ko naman masyadong gets. Ang alam ko lang, vulgar ang salitang 'yon. I already heard it somewhere, I think sa mga kaklase namin na lalaki. Bawal daw 'yon sa girls, e.

"Sayang naman 'yung libre..." Ani Ate Sien. "Tawagan mo si Gust, siya nalang manlibre." Siniko niya si Max.

Napakunot ang noo ko. Hindi naman sa nangjujudge ako pero ang yaman nila.. hindi ko inasahan na kuripot din pala ang mayayaman.

"Busy 'yon palagi. Hindi 'yon pupunta." Sagot ni Max.

"O-Oo nga.. bakit siya busy?" Napalingon ako kay Faith na nagtanong ngayon.

Napangisi ako.

"Advance study? Training sa company? Ewan ko. Marami siyang ginagawa tapos may girlfriend pa siya kaya hindi sumasama dito." Si Max.

"Hindi 'yon busy. Selosa lang talaga girlfriend niya. Ang impaktang 'yon.." Napairap si Ate Sien.

Kumunot ang noo ni Caius sa kanya, "Watch your words, Ate."

"Huh? Bakit? Totoo naman, e? Tangang tanga lang talaga si Gust 'don, ewan ko ba sa pinsan niyo. Ang talino sa ibang bagay pero pagdating sa babae natatanga," Singhal niya.

Humalakhak naman si Max, "Buti pa 'ko, matalino na, hindi pa tanga."

"Tss. Gago naman." Giit ni Ate Sien.

"Ouch, ha. Inaano ka ba? Laki ng galit mo, ah?" Natatawang daing ni Max.

Napasimangot si Ate Sien sa kanya na mukhang naaasiwa sa kaartehan ng pinsan niya. Ako naman, ngiting ngiti sa itsura ni Max, hindi ko nga namalayan na matagal na pala akong nakatitig sa kanya kung hindi lang ako siniko ng mahina ni Faith.

Napaismid tuloy ako at napaiwas ng tingin. Nagtuloy tuloy pa sila sa pagtatalo hanggang sa tinawag na kami sa dining. Kahit nakakahiya dahil sobrang daming serbidora, pumunta parin kami.

dusk beneath the city lights | Buenvenidez Series #4 [COMPLETED]Where stories live. Discover now