34

816 26 593
                                    

"Nararamdaman ko nang ako ang favorite niya."

Sumulyap kaagad si Caius sa akin nang magsalita ako. Hawak hawak niya ang ultrasound picture ng baby ni Faith at kanina pa namin pinagtatalunan kung sino ang kamukha. Para kasing halo. Hindi kasi nakamulat, e. Hindi tuloy namin malaman kung blue eyes ba katulad ng daddy niya.

Right after my birthday, nalaman na rin namin na buntis si Faith. Actually, matagal ko nang napapansin 'yon dahil halatang nag gain siya ng weight tapos mukha pang pinaglihian niya ang asawa niya base sa kwento niya sa akin. Ako pa nga ang nagsuggest sa kanya na magpacheck up siya tapos 'yun, nabalitaan ko nalang sa kanya na buntis nga siya.

Syempre, sobrang saya namin. I can now see how her life is slowly unfolding and I'm just happy that I'm always with her. From engagement to her wedding and now to their first baby!

"Hindi ka n'yan favorite kasi hindi ka naman favorite ni Faith," Pambabasag ni Caius sa akin.

Marahas akong sumulyap sa kanya, "Kung hindi ako, lalong hindi ikaw." Ani ko.

Kumunot rin ang noo niya. Magsasalita pa sana siya pero pumagitna na kaagad sa amin si Faith. Inagaw niya ang ultrasound picture at nakangiting tiningnan 'yon habang hawak hawak ang baby bump niya.

Grabe, buntis na talaga siya 'no? Ang hardworking naman nila ng asawa niya. Hindi ko nga inaasahan na siya pa ang mauunang magka baby sa aming tatlo. Pinagpustahan namin 'to, e. Sabi pa nila, ako raw. E, mukhang mauuna pa silang dalawa at magiging rich tita yata ako habang buhay.

"Huwag na nga kayong mag-away, magiging favorite niya rin kayong dalawa." Aniya saka saglit na sumulyap sa amin. "Araw araw kayo halos magkasama pero nagagawa niyo paring mag-away," Puna niya.

"Si Caius ang nauuna, hindi ako. Ganyan talaga siguro kapag hanggang ngayon, broken 'no?" Natatawa kong tanong.

"Says who?" Supladong sabi ni Caius.

"Says you. Tanga." Inirapan ko nalang siya at nagpasyang magreply nalang sa kanina pa text ng text sa akin.

Caly:

Saan ka?

Me:

Cuerva Corp

Caly:

Kasama mo si Cai?

Me:

Oo

Sumulyap ako kay Caius. Magkausap na sila ngayon ni Faith tungkol sa recent runway namin. Masyado kasing nabobored si Faith dahil ayaw ni Gust na patrabahuhin siya kaya kung ano ano nalang ang pinapakwento niya kay Cai. Sa sobrang random nga, ultimo kalandian ni Caius noon sa ex niyang taga New York, napagusapan nila.

Tumunog muli ang phone ko kaya napatingin ako doon. Caly sent a picture so I looked at it. At tingnan mo nga naman, kapag talaga pinaguusapan, nagpaparamdam.

"Cai.. Cai.." I called his attention.

"Ano? Nawawala ka ba ha?" Inis niyang tanong sa akin.

Umiling ako at ngumisi bago ko ipakita ang picture ni Caly at Kestrielle na magkasama. It's a selfie and they're in Time Square right now. Tiningnan ko ang reaksyon ni Cai nang kunin niya sa akin ang phone ko. Narinig ko ang hagikhik ni Faith habang nakikitingin doon.

His eyes are blank while staring at it. Nakakunot ang noo niya habang unti unting zinoom in ang picture ni Keesh.

"Ganda niya parin 'no?" Caius chuckled a bit. 

"Miss mo na?" Tanong ko.

Ngumuso siya at sinimangutan ako bago niya inilipat sa mukha ni Caly 'yon.

dusk beneath the city lights | Buenvenidez Series #4 [COMPLETED]Where stories live. Discover now