Chapter 17

7.4K 354 14
                                    

ELSIE'S POV (Daniela's POV)



Nakaabang na ang lahat at ang hinihintay na lang namin ay ang pagpapakita ng higanteng paniki. Gabi na at nakatago lang kami sa mga sira-sirang bahay. Another hour had passed.. Then suddenly, nakarinig ako ng malakas na pagpagaspas ng pakpak.



"Nandiyan na yung paniki!!" Sigaw nung isang babae. Agad akong sumilip mula sa pinagtataguan ko. Nanlaki ang aking mga mata sa kulay itim na malaki at lumilipad na halimaw. Halos magkasing tangkad lang ito sa isang tao. May matutulis din itong mga pangil, gayun din ang kaniyang mga mahahabang kuko. May isa lang itong malaki at pulang mata. Napahawak ako sa 'king bibig.

W-what the HELL!!! Hindi 'yan isang paniki!!



Isa itong klase ng halimaw! I saw it once sa isang libro entitled, the book of monsters. Ang tawag dito ay red-eyed rither para din silang mga paniki dahil sa pagkakahawig sa appearance at dahil nakatira din ito sa mga kuweba pero kung ipagkukumpara ko silang dalawa. Of course, mas delikado ang red-eyed rither! Dahil kahit hindi man ito kumakain ng tao, kapag nagalit ito.. Pwede niyang gamitin ang kaniyang mga matutulis at mahahabang kuko para pumatay ng tao. It's lethal!

Nakakamangha lang at nagawa ng mga tao dito na makapatay ng apat na rither but of course, mas mahirap ang manghuli pa rin.

"Milady! Mukhang iisa lamang ang nagpakita ngayon.. A-atake na ba tayo?" Tanong ni Rian na katabi ko lamang. Dumapo sa palayan ang rither at sinisimulan na hukayin ang mga ito.

Napatango ako.
"Maghanda na kayo.. Pagkabilang ko ng tatlo ay susugod na tayo at ibabato ang mga sibat.." Bulong ko sa mga ito. Nagsimula na akong nagbilang.
"Isa.. Dalawa.. TATLO! Sugod!!!" Lumabas kami sa aming pinagtataguan tsaka tinapunan kaagad ang rither ng mga sibat.

Buwisit lang at naging alerto ito. Pinagaspas kaagad nito ang kaniyang mga pakpak palipad kaya walang tumamang sibat dito.

"Grrrrrriiiiiiii!!!!" Matinis na angil nito.

Sinubukan naming tamaan ulit ito pero iniwas-iwasan niya lang. Patuloy namin na inaatake ito ng sibat pero peste talagang halimaw. Magaling umiwas!

"Milady! Ubos na ang mga sibat!" Sigaw ni Rian. Tumango ako at inilabas ang orenda sword ko. With just a pure timing, I raised my sword.

"Ouepodus!" Sigaw ko. Lumabas ang fire blade at natamaan ang paniki pero lumipas ang ilang minuto..

Anak ng-- bakit hindi pa rin ito natutumba?!


'Ang epekto ng mga tira ng espada ay nakadepende sa layunin ng may hawak nito...' Pag-alala ko sa sinabi ni sir Tudor.

Huwag mo sabihing ayaw kong masaktan ang halimaw na ito parang sa kuneho?! Imposible! Nakakatakot na nga 'yung itsura nito eh!

No! Let's try again. Huminga ako ng malalim at isang bagay lamang ang nasa isip ko. Let this monster sleep!

"Ouepodus!" Sigaw ko at buwisit! Nakailag ito!

"Ouepodus!" Sa wakas ay natamaan ito kaso wala pa rin nangyari! Sh*t!!!

"Ouepodus!"

I Became the Princess of a Fallen Kingdom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon