Chapter 49

5.6K 336 38
                                    

ELSIE’S POV (Daniela’s POV)





I continued to read the book and yeah, some are really inspirational while some are something stupid. Ugh, hindi ko alam kung paano naging crown princess ang mga ‘yon. Anyway, like I said, 42 crown princess, 39 Empresses. Pwede pa ring hindi maging Empress ang isang crown princess depende na lang talaga kung may ginawa siyang kahindik-hindik.


I flipped another page at napatigil nang makita ang nakangiting picture ng isang babae. Oh? Siya yung nanay ni Zeid. Binasa ko ang kaniyang pangalan,

“Dianne Rosaly Travinia” Pagbasa ko. According to her background, isa siyang anak ng Duke at meron siyang growing magic or ability to manipulate the growth of plants and trees. Sunod kong binasa ang kaniyang quote.

"Win goes to those who possess pure hearts."

Pure hearts huh? Isinara ko na ang libro at saka tamad na humiga sa kama. I looked at the ceiling for minutes, thinking deeply. Crown princess selection.. Unti-unting kumurba ang gilid ng labi ko.

So now, how could I win this?








Dumating ang gabi at doble-doble ang ginawa sa 'king pag-aayos ni Lara.  Isinuot ko ang isang bright yellow off-shoulder dress that is paired with white heels and yellow choker. She also braided my hair into sides para maayos akong tignan. Lastly, nilagyan niya lang ng light make-up ang aking mukha.

Done!

Ang sabi ng butler, tonight's dinner ay makakasama raw namin ang Emperor. So, everyone would of course, do their best to give good impression.

After ng pag-aayos ko ay kasama ko ulit si Lara sa pagpunta sa dinning hall at may isang butler naman ang nag-escort sa 'min papunta roon. Malapit lang naman ang dinning hall dahil mula sa 3rd floor kung saan ang aking kuwarto, nasa 2nd floor lang ito.

"Miss.. Huwag mong kalimutan ang pagbati sa kanila.." Bulong na paalala ni Lara.

Binigyan ko siya ng ngiti.
"Don't worry.. I'll do my best." 





"The 12th candidate, Elsie Annaya Maximilianovna is entering." Anunsyo ng butler. Bumukas naman ang malaking pintuan at doon bumungad ang dining hall. Kumpleto na bukod sa 'kin ang mga candidates pagkarating ko. Well, wala pa naman ang Emperor.

Lahat sila ay napatingin sa 'kin and I gave a curtsy. A poor curtsy. 'Yung tipong halos ma-off balance ako.
"P-pleased to m-meet you all.. I'm Elsie Annaya Maximilianovna.." Na-uutal na sabi ko. Nakarinig naman ako ng tawa mula sa mga candidates kaya yumuko na lang ako sa hiya  at tumungo sa 'king upuan.

Pagkaupo ko ay nakarinig na kaagad ako ng insulto.
"What an ugly curtsy.. Mas magaling pa ang  bata kaysa sa 'yo eh.." Sabi ng babaeng katapat ko.

"Well, what do we expect to a half- breed?" Dagdag ng isa pa. Obviously, siya yung lumapit sa 'kin kaninang umaga at kahit na ngayon pa lang kami nagkikita, I already knew her.



She's Mariana Vin Morgeza, isang anak ng isang Marquess. The second villainess that tormented Lucia in the original story. But for some reason, mukhang ako ngayon ang tinatarget nito.


"P-pasensya na.. " Sagot ko na lang. I looked around at doon ko napansin kung gaano karami ang nakikipag-usap kay Lucia na nakangiting maamo lang na sumasagot sa kanila. She's really popular huh. Bigla namang napatigil ang aking tingin sa isang pamilyar na babae. Of course, hinding hindi siya mawawala. Revia Eve Braine. Nakatingin siya ngayon kay Lucia ng may bakas ng galit at pagkainggit sa kaniyang mga mata.

I Became the Princess of a Fallen Kingdom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon