Chapter 6

9.3K 460 17
                                    

ELSIE'S POV (Daniela's POV)





"Well... Well... Well... After how many days, buhay ka pa pala."


Buwisit. Bakit ngayon pa?



Kakauwi ko pa lang nga tapos mame-meet ko pa 'tong babaeng ito? Tinignan niya ako ng up-and-down sabay tinaasan ng kilay. Mabuti na lang tinanggal ko kanina pa 'yong disguise ko no'ng nasa karawahe pa ako.


Bahagya itong napatawa. "I never knew na ganyan ka pala manamit. Too plain... Halos muntikan na kitang napagkamalang katulong." Napatingin ako sa kasuotan niya. Naka-purple ball gown ito at napakarami din nitong mga accessories sa katawan.


Bakit palaging ganito getup niya? As if namang pupunta sa party.

I smiled sweetly at her. "Pakielam mo ba?"


"I'm just reminding you na ayusin mo 'yang pananamit mo. Don't be a disgrace to the family." Disgrace kaagad? "And, malapit na ang 24th birthday ko. Many nobles will be invited and so, be prepared." Dagdag niya.

Ah, Wow.. So invited din pala ako. Akala ko sasabihin niyang galingan kong magtago para 'di ako makita ng mga bisita.


"Be prepared, mukha mo." Bulong ko.

"What?"

"I get it. I'm going." Walang ganang sabi ko and waved my hand. Nilagpasan ko na siya at itinuloy ang paglalakad pabalik sa 'king kwarto.















Kinaumagahan ay may biglang dumating na isang bisita sa 'king kuwarto.

"Miss. Nandito na po ang personal Royal doctor ninyo." Sabi ni Lara. Napatingin ako sa katabi nitong matanda. He's almost wearing the same as the doctors sa pinanggalingan ko. Lab gown, white polo, black slacks at may stethoscope din ito na nakasabit sa leeg. He's also holding a briefcase. With his right hand on his chest, bahagya itong yumuko.


"How are you, princess?" Tanong niya. I slightly tilted my head.

Ha? Wala naman akong sakit ah?


I smiled. "I'm fine." Sagot ko. Or is this just an ordinary check- ups? Nakita kong ni-lock ni Lara ang pintuan. As I know, health conditions of a royal is highly confidential.






Magkatapat kaming umupo na ng doctor. He checked my vital signs and everything. Tinanong niya din ako.

"Do you feel stressed lately?"

Napa-isip ako. "Uhmm.. Yes, a lot." Tumango siya tsaka nagsulat sa record niya.

"Tungkol saan?"


"More on… Family issues?"


Honestly, stressed talaga ako dahil napunta ako sa mundong ito.

"If you are stressed, ano ang una mong na-iisip? Or anong una mong ginagawa?"


"Ginagawa? I punch the pillows or bury my face with it tapos sisigaw para matanggal lahat ng sama ng loob ko." Pader talaga ang sinusuntok ko normally pero ayaw kong gawin 'yon ngayon dahil hindi ko ito katawan.


I Became the Princess of a Fallen Kingdom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon