Chapter 18

7.4K 409 16
                                    

ELSIE'S POV (Daniela's POV)




Napataas ang kamay ni Octavius kaya napatingin kaming lahat sa kaniya.
"May ideya ako.." Sabi nito at napa halukipkip.
"Una, dalawa lang kami ni Daniela ang papasok sa loob.. Mas mabuti na ito para maiwasan na may mapahamak pa.. At saka may mas kakayahan kami sa pakikipaglaban kaya kayang kaya naming mapatay ang kahit na ilang mga paniki sa loob.."

"Ano naman ang gagawin namin?" Tanong nung isang lalake.


"Kayo naman ang aabang dito sa labas.. Papatayin ninyo ang mga paniki na lalabas o loloob sa kuweba.. " Napatingin ito sa 'kin.
"Ano? Payag ka ba?" Tanong nito. Napaisip ako saglit. Teamwork with him wasn't a bad idea at kung mas konti rin ang loloob sa kuweba.. Mas konti ang mapapahamak.



Napatango ako.
"Okay.. Payag ako." Sagot ko. Pumayag na rin ang iba pa kaya susunod kami sa plano ni Octavius. Binigyan nila ako ng isang ordinaryong espada na panglaban ko. Hmm.. I wasn't really good at swords pero naturuan ako ng basics during ng P.E subject ko no'ng nasa senior high pa lamang ako.. Na-enjoy ko ito kaya tinuloy ko ang pag-aaral nito ng mag-isa. Though pagdating ko ng college ay mas naging busy na ako kaya itinigil ko ang pagsasanay.


I swing the sword. Pag-pa-praktisan ko muna siguro yung mga halimaw..



Noong naging handa na ang lahat ay tsaka na namin sinubukang pumasok sa waterfalls. Hindi kami pwedeng dumeretso na lang na lumoob dahil malakas ang pagbagsak ng tubig mula sa tuktok. Mabuti na lang at nakahanap kami ng isang daanan sa gilid ng falls. Siguradong tutungo ito sa kuweba. Nagdahan-dahan kami ni Octavius sa paglalakad dahil maliit lamang ang dadaanan. It's like walking on a rope. Konting kamali lang ay pwede na akong mahulog sa tubig na may mga matutulis na bato.

Scary!





Nakahinga ako ng maluwag nang ligtas kaming nakaloob at talaga namang nakakamangha ang bumungad sa amin. Hindi ganoong madilim ang paligid dahil sa liwanag na nanggagaling sa mga nagkalat na kulay violet na crystal. Lumapit ako sa isang crystal at tinignan ito ng malapitan. Gosh.. Parang gusto kong mag-uwi ng isa. I tapped it with my finger. Para lang itong violet version ng diamond 'yon lang at nag-go-glow ito.


"Ang tawag diyan ay lilium crystal.. Nahahanap lang talaga ang mga ito sa ganitong mga kuweba.. Ngayon ka lang ba nakakita?"

Nilingon ko si Octavius na nililibot din ang tingin sa paligid.
"Oo.. Ngayon lang." Sagot ko at ibinalik ulit ang tingin sa lilium crystal. "Pwede ba akong makakuha ng isa?"

"Oo naman pero magiging itim na 'yan kapag nahiwalay sa mga bato.." Napasimangot ako sa sinabi niya.

Sayang.. Kung may camera lang sana ako eh 'di pinicturan ko na.




Nagpatuloy na kami sa paglalakad paloob. So far.. Wala pa naman kaming nakakaharap na rither.

Crackkk!

Napatigil ako nang may maapakan ako. Akala ko no'ng una kung kahoy lang pero napatigil ako nang makita ang isang bungo. Mapapasigaw na sana ako sa gulat nang agad na tinakpan ni Octavius ang aking bibig.

"Shhh.." Sabi nito sabay turo sa itaas. Napatingala ako at nakita ang mga matutulis na mga bato sa itaas.
"Isang sigaw mo lang ay pwedeng mahulog ang mga 'yan.." Babala nito. Agad kong tinanggal ang kaniyang kamay sa bibig ko.

I Became the Princess of a Fallen Kingdom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon