Chapter 7

9.2K 424 7
                                    

ELSIE'S POV (Daniela's POV)




Pati mga bata?!

Pinaningkitan ko ito ng mata.
"Anong nangyari?"

Napahalukipkip siya sabay napatingin sa malayo. "Tatlong buwan pa lamang ang nakakalipas, bigla na lang nagsidatingan ang mga royal Knights at dinakip ang lahat ng mga babae at mga bata dito sa bayan."

"At saan naman nila dinala?"

"Sa palasyo ng tar*ntadong lalakeng 'yon." Biglang sabat nung isang lalakeng nakaluhod. Nakita ko rin ang tinding galit sa kaniyang mga mata.
Tar*ntadong lalake?

"Si Duke Edmund?" Pangungumpirma ko at agad itong tumango. "Ano naman ang ginawa sa mga dinakip?"

Yung lalakeng may-ari naman ng shop ang sumagot. "Slavery.." Napatigil ako. Slavery? "Lahat sila ay ibinebenta sa mga iba't ibang mga nobles."

Mga tao, dinakip na lang bigla tapos ibinenta ng parang gamit?! 

"Walang maaasahan sa hari. Wala silang ginawa kundi mamuhay ng marangya sa loob ng palasyo! Pinabayaan at inabuso niya ang kaniyang mga mamamayan!" Sabi nung isa pang lalake.

The system is rotten to the core. Siguradong ito rin ang isang dahilan kaya bumagsak ang kaharian.

"Prinsesa." Napatigil ako nang biglang bumulong yung lalakeng may-ari ng shop sa 'kin. Prinsesa?! Napatigin ako rito sa gulat. "Maaari ba kitang maka-usap ng mag-isa?" Tanong nito. Saglit akong napatingin kay Lara. Medyo namumula pa rin ang kaniyang mga mata dahil sa pag-iyak niya kanina. Napatango ako sabay lipat ng aking tingin sa limang mga lalakeng nakaluhod.

"Kayo d'yan! Magpasalamat kayo sa pangalawang buhay n'yo.  Subukan ninyo lang na ulitin ang ginawa n'yo, mamamatay kayo sa kamao ko, maliwanag?"  May pagbabantang tanong ko sa kanila.

Napatango-tango naman sila sa takot.
"O-opo mam!" Sabay-sabay nilang sagot.

I waved my hand. "Sige, umuwi na kayo!" Agad silang tumayo at kumaripas na ng takbo palayo. Binalik ko ang tingin sa lalakeng may-ari ng shop at nagsimula na kaming lumayo.








Nagpatigil kami sa gilid ng isang bahay kung saan hindi kami makikita o maririnig ng kung sino. Bigla itong lumuhod with his one knee raised.

"Greetings to you. Your royal Highness, princess Elsie of Styria Kingdom." Bahagyang nakayuko ito habang nakalagay ang isang braso sa kaniyang chest.

This posture..

"Raise your head." Tumingala ito at tumingin sa 'kin. "What's your name sir?"

"Ako po si Tudor Courtiers, mahal na Prinsesa." Sagot niya.


" Ilang taon kang naglingkod bilang knight sa palasyo?" 

"Limang taon, Mahal na prinsesa.."

Limang taon lang?

"Bakit ka maagang umalis?"

"Dahil po sa marami akong nakitang hindi kanais-nais na bagay sa palasyo, Mahal na prinsesa" I could feel a faint anger on his voice. Hindi ko alam pero parang dinidiin niya ang pagtawag sa 'king mahal na prinsesa ng paulit-ulit pa.

I Became the Princess of a Fallen Kingdom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon