Chapter 14

7.7K 398 3
                                    

ELSIE'S POV (Daniela's POV)



Pagkalabas ko ay dumeretso na ako sa likod ng palace, the garden. Lahat ng tao ay malamang nasa banquet hall kaya tahimik dito sa labas at walang tao. Gusto ko lang na magpahangin at sumagap ng malamig na hangin. I gently touched the colorful roses habang dahan-dahang naglalakad.


Haaa... I really want to go home. Elsie, hindi ko alam kung ano talagang ibig-sabihin ng mga sinabi mo sa 'kin... But whatever it is.. Nagkamali ka ng pinili.. It's not me.


Lalayo ako sa mga protagonist at gagawin ang mga bagay sa pamamaraan ko. My top priority is to find a way para makaalis sa lugar na ito but... Sadly, wala pa akong maisip na paraan. It's so chaotic. Nakikisama pati ang mga personal problem ni Elsie.

Crack!

Napatigil ako at lumingon sa 'king gilid. Sunod- sunod na kaluskos ang aking narinig sa damuhan.

"Sino 'yan?!" Tanong ko. Biglang tumigil ang kaluskos at tumahimik ulit ang paligid.
"Sabing sino 'yan?! Magpakita ka!"

Lumipas ang ilang minuto ay biglang may lumabas sa nagtataasang mga halamang malapit lang sa 'kin. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang isang batang babae na nasa sampung taong gulang. Madumi ang kaniyang suot na brown dress pati na ang kaniyang mukha at magulong kulay grey na buhok. Wala din itong suot na sapatos kaya kitang-kita ko ang ibang gasgas sa kaniyang maliliit na darili sa paa. Her green eyes looked at me with fear.

Papaanong nakapasok ang isang bata dito sa palace?!

"A-anong ginagawa mo dito?" Gulat na  tanong ko. Hindi ito sumagot kaya lumapit ako. "Huwag kang mag-alala.. Hindi kita sasaktan.." Medyo napaatras siya. Bakit parang takot na takot siya? Huminto ako sa paglapit at yumuko para magkapantay kami ng tangkad.


"Ako nga pala si Elsie.. Isa akong prinsesa sa palasyong ito.." Ngiting pagpapakilala ko.


"P-prinsesa?" Mahinang tanong nito. Saglit lang pero nakita ko ang pagkamangha sa kaniyang mga mata. Yeah, every girl once wished to be a princess.

Tumango ako.
"Tama.. Ako si Prinsesa Elsie, ikaw? Anong pangalan mo?"

Nag-alanganin ito saglit pero sumagot din.
"Tatiana.. "

"Tatiana?" Tumango ito.
"Wow.. Napaka gandang pangalan.. Asan ang mga magulang mo Tatiana?" I asked at ikinagulat ko nang bigla itong tumakbo papunta sa 'kin tsaka niyakap ako. She started to cry.

"T-tulungan n'yo*sob*po ako! *sob*  Y-yung *sob* m-mama ko.. N-naiwan.." Hagulgol nito. Hinaplos ko ang kaniyang maliit na likod.

Naiwan? Saan?

"Ssshhh.. Tahan na, it's okay.. Sabihin mo asan siya naiwan?" Pagpapatahan ko dito.

"*sob* N-naiwan s*sob*-siya sa--"

"Elsie!" Napatigil ako sa isang pamilyar na boses.

Damn! Bakit ngayon pa!

I Became the Princess of a Fallen Kingdom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon