Chapter 32

6.4K 376 6
                                    


ELSIE'S POV (Daniela's POV)


Inis kong kinain ang sandwich na in-order ko kanina. Buwisit.. Dapat nagpaalam man lang siya na mawawala siya ng isang araw o dalawa. Hinintay ko pa man din siya kanina. Anyway, ginamit ko pa rin naman ang oras na ito para gumawa ng mga iba't ibang traps sa gubat. Kapag nahulog siya sa kahit na isang patibong ko do'n, tiyak na hindi siya makakagalaw and from that moment ay susugurin ko na siya kaagad.

HEHEHE..



"Ui... narinig mo ba 'yon?"

"Iyong?"

"May lumitaw na namang isang babaeng gustong pakasalan ang Crown prince!"

Napatigil ako sa aking narinig.

Talaga?! May gustong magpakasal sa Crown prince?!

Naintriga naman ako kaagad kaya medyo inilapit ko ang aking tainga sa dalawang lalakeng nag-uusap sa kabilang table malapit sa 'kin.

"Ah.. 'yan ba? Ang balita ko isa siyang countess.."

"Oo.. Maganda, matalino, mabait-halos nasa kaniya na ang lahat.."

"Tapos alam mo ba.. Siya rin ang may-ari ng pinakamalaking orphanage sa imperyo at nagbibigay pa siya ng libreng pagkain at pera sa mga mahihirap.."

"Mukhang siya ang kauna-unahang candidate na nababagay bilang maging Empress.. At tiyak na hindi rin makakatangi ang Crown prince.."

"Kaya nga marami ang sumu-suporta sa candidate na 'yon.."


Napahawak ako sa 'king chin. Mukhang maganda nga ang balitang 'yan. Kapag ganyan ang candidate, malamang ay magiging maayos ang kinabukasan ng imperyong ito. Originally, si Lucia ang dapat na nasa posisyon na 'yan but she's not already here. Baka nga wala rin interes ang taong 'yon sa crown prince.














Pagkatapos ko na makakain ay chineck ko muna si Zeid sa kaniyang kuwarto pero wala pa rin ito kaya dumeretso na ako sa aking kuwarto. Noong dumating naman ang umaga, kasabay ng pagkaramdam ko sa init na tumatama sa 'king mukha ay may naamoy akong pamilyar na amoy.

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata.

What the-

Agad akong napalayo sa taong nasa harapan ko dahilan para mahulog ako ulit sa sahig.

"Aray!" Daing ko at napahilot sa 'king puwetan. Mukhang nagising naman siya sa ingay at napamulat din ng mata. Napa upo siya sabay kumunot ang kaniyang noo na tumingin sa 'kin.

"So noisy.." Naiirita nitong sabi.

Napatayo ako at tinignan siya ng masama. "Baliw ka ba?! Bakit ka nandito?!"


I Became the Princess of a Fallen Kingdom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon