Chapter 76

4.7K 256 35
                                    

ELSIE'S POV (Daniela's POV)

"She escaped.."

What?

"When we arrived in her mansion, it's already empty and when we went next to the orphanage- the one she manages.. No one's there, including the children."

"Pero may nahanap kaming kahindik-hindik na bagay.. Sa basement, may mga nahanap kaming mga katawan ng mga bata at halatang pinahirapan sila at in-eksperimentuhan.. " Dagdag ni William. "Positibong may ginawa sila sa iba pang mga bata."

So in the end, ang pagpapatayo ni Lucia ng napakalaking orphanage ay kasama rin pala sa kanilang plano. They are using the orphans!

"Probably, they're the ones responsible for children being assassins.." Sabi ni Zeid. "And surely, they will be using those children for another plan."

"Your highness!" Napalingon kami kay Xavier na kakarating lang kasama ang ilang mga knights.

"What's the news?" Tanong ni Zeid.

"Ang mga pag-atake ng mga halimaw, bigla na lang tumigil." Sagot niya na ikinagulat naming lahat. "Sa buong imperyo, bigla na lang nawala ang mga halimaw na parang bula at kahit anong hanap namin sa mga ito, wala na kaming nahanap na kahit anong bakas."

That's impossible! Mga higante ang mga 'yon! Hindi naman sila pwedeng maitago. Paano 'yon? Una ang mga bata, ngayon naman yung mga halimaw, in the same day pa. "This is bad, ibig-sabihin lang ay may pinaghahandaan sila." Sabi ko. Isang bagay na lahat kami ay alam na.

The red moon!


Napatayo na ang Emperor. "Stay alarmed and make all the kingdoms increase their security! From this day onwards, we'll be all preparing for a war!" Annunsyo niya. Napahawak ako ng mahigpit sa 'king skirt.

Definitely, a huge war...





******


So, that's how everyone became busy. Mas umigting ang pagsasanay ng mga knights at mas natakot ang mga tao na lumabas sa kanilang mga bahay. In one month, siguradong do'n magaganap ang digmaan. I also keep on practicing sword fighting dito sa garden ng bahay namin ni Zeid.
I swung my sword multiple times.

"67..."

"68.."

"69.."

"70."


Napatigil ako at napapunas ng pawis gamit ng sleeve ng aking damit. Something's wrong.. Napatingin ako sa 'king mga kamay na nanginginig nang walang dahilan at ikinuyom din ito.

One month.. One month.. Just give me one month.


"Mukhang napakaseryoso mong magsanay, your highness." Napalingon ako sa 'king gilid at nakita si William na naglalakad papalapit sa 'kin.

"Oh? Kanina ka pa d'yan?" Tanong ko. At meron na ang kaniyang baston.


"Oo.. Kanina pa kita pinapanood, ah, no'ng isang linggo pa pala kita pinapanood, your Highness."


Bahagya akong napatawa. "Maganda bang panoodin akong mag-ensayo?"


"Oo rin.. Nag-aalala pa rin ako dahil deretso kang nage-ensayo.. Baka mapuwersa ang katawan mo."

I continued to swung my sword again. "Narinig ko rin ang bagay na 'yan ng paulit-ulit kay Zeid pero hindi naman ako pwedeng umupo na lang at hintayin ang red moon."


I Became the Princess of a Fallen Kingdom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon