Chapter 43

5.8K 303 10
                                    


ELSIE’S POV (Daniela’s POV)



Bukas na matatapos ang ibinigay sa 'kin ni Zeid na 'vacation' pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakukuhang mensahe mula kay Hellos.

Maybe mas inaayos na niya ang paggawa ng potion?

Currently, pabalik na ako sa 'king kuwarto dahil kakatapos ko lang na kumain sa restaurant sa ibaba kanina.

Ugh, parang hindi maganda pakiramdam ko.

Kinuha ko ang aking susi sa bulsa at saka ipinasok sa knob. Pinihit ko na ito pabukas at doon nanlaki ang aking mga mata.

"W-what.. " Nadatnan ko si Zeid na nakahalukipkip habang nakaupo sa gilid ng kama. "What the hell are you doing here?!" Gulat na tanong ko. He frowned.

"Ang tagal mo.."

"Ha? Kanina ka pa rito?"

"Obviously... You're too slow in eating." Kumento nito at doon ako napairap.

"Kung bakit ba kasi nandito ka ngayon? Eh bukas pa naman matatapos vacation ko diba?" Inis na sabi ko. Hindi ito sumagot at tinitigan lang ako ng matagal pagkatapos din ay iniwas ito. Nangyare sa kaniya? Parang nagiging weird na ang mga ikinikilos niya.

"I just.. missed you." Mahinang sabi nito na narinig ko naman.  Parang pumintig ang aking tainga sa 'king narinig.



W-what? Na-miss niya ako? As in, na-miss na i-torture?



By the way, sakto lang ang dating niya. Umupo ako sa gilid din ng kama malapit sa kaniya. "I have something important to discuss with you." Seryoso kong sabi. Binalik niya naman ang tingin sa 'kin



"What is it?"




"Let's end the contract." Direktang sabi ko na bahagyang ikinalaki ng kaniyang mga mata as if nagulat ito. So I continued to talk."I'll pay for breaching the contract.. Well, in the first place parang wala naman akong nagawa eh.. So, I'll pay double." Malaki ang impact nito sa bulsa ko pero okay lang, kaya pa. At least after this ay wala na kaming ugnayan sa isa't isa. Hindi ko na rin kailangan ang pagtatanong sa mga Archmages dahil nakakuha na ako ng tamang impormasyon.




Naging blanko naman ang ekspresyon ni Zeid habang nakatingin sa 'kin. He was quiet for a while pero nagsalita na rin. "... Why? Give me a reason why you need to end the contract."
Napaiwas ako ng mga mata.


He's eyes.. Why is it feels like he was.. I'm not really sure.. Hurt?



"It's ... A personal reason.. " Sagot ko. "Hindi na 'yon importante.. Ang gusto ko lang mangyari ngayon ay matapos na ang contract.. Gano'n din ang ugnayan natin sa isa't—"

"What?" Napatigil ako nang biglang sumama ang mukha niya.

"Uhh.. Matapos ang ugnayan natin.. ?" Medyo nagaalanganing ulit ko.

"Sh*t." Mahinang mura nito. What? Nagmura lang ba siya?! Napatayo ito bigla at saka napahawak sa kaniyang batok. "I gave you a vacation because I thought you could take a good rest.. Then this! Sa huli lang pala, tatapusin mo lang 'yung kontrata." Inis na sabi nito.

"I shouldn't had gave you break!"

Napatunganga ako sa kaniya. Ano ba ang pinagsasabi niya? At ano namang kinalaman ng 1 week vacation ko rito? "Uhmm.. Walang kinalaman yung vacation ko dito." Sabi ko at tinignan niya naman ako ng masama.

I Became the Princess of a Fallen Kingdom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon