Chapter 73

4.6K 272 7
                                    


AUTHOR'S POV

Mula sa isang study room sa loob ng imperial palace, seryoso ang dalawang tao sa pag-uusap na tila ba may kinakaharap silang matinding problema.

"Your Highness, hindi na mapigilan ang pagdami ng pag-atakeng dulot ng mga halimaw sa iba 't ibang parte ng imperyo." Balita ni Xavier.

"Tsk. We need to find out who's making all this mess." Umigting ang panga ni Zeid. Nakakasigurado siyang may taong ilegal na nage-experimento ng mga halimaw para atakihin ang mga kaharian. "Make the investigation wider, search every forest or even houses and get more Knights as possible." Utos niya.

Napatango naman ang knight. "Masusunod po, your Highness." Sagot nito at umalis na rin kaagad.

Napasandal sa kaniyang kinauupuan ang crown prince sabay napahawak sa bridge ng kaniyang ilong. It's getting worse. It's even harder to pinpoint who is making this. Marahil hindi lamang ito ang prino-problema niya kundi pati na rin ang pagdami ng mga batang assassin na nahuhuli at napapatay.

"Little Prince!" Biglang bungad ni Hellos pagkabukas ng pintuan.

Napakunot ang noo niya. "What again?"

"Aalis ako ngayon at hindi makakauwi ng ilang araw.." Paalam nito.

"You don't need to tell me, old man."

"I'm just telling you in case your wife might try to find me."

"My wife?"

"Ako sana ang mismong kakausap sa kaniya but she's having a private meeting in the library."

"With whom?"

Napataas ang magkabilang balikat ng matanda. "I don't really know.. Masikreto kasi siyang tao..." Sagot nito. "Anyway, I'm going.. Farewell!" Umalis na ito pagkatapos kaya naiwan ulit siyang mag-isa. Sinimula niyang i-tap ang kaniyang lamesahan gamit ng kaniyang mga darili.

A private meeting with someone?

Na-curious ito kaagad kaya na patayo na siya at nagsimulang maglakad palabas. Dumiretso siya sa imperial library pero saktong palapit na siya sa pintuan nang bigla itong bumukas at imbis na i-meet niya ito, agad siyang nagtago sa likod ng isang pader. Lumabas naman si Elsie kasama ang isang butler.

Damn, why am I hiding?

Nagtaka na rin ito nang makitang mukhang may pupuntahan ang mga 'to kaya sinimulan na niya silang sinundan hanggang sa nakarating sila sa opisina ni Hellos. Doon niya nalaman kaagad na ang matandang archmage ang hanap ng kaniyang asawa.

Alright, I'll meet her...

Lumabas na siya sa kaniyang pinagtataguan at sumunod na pumasok sa kuwarto. Naabutan niya na roon si Elsie na napalinga-linga sa paligid.

"He went somewhere important at magtatagal siya ng ilang araw doon." Sabi niya kaya agad napalingon ang mga ito. Napadapo rin ang mga mata ni Zeid sa butler na kasama nito.

Who is that?

Magsasalita pa sana siya para magtanong nang biglang mabilis na lumapit ang butler sa kaniya sabay hinawakan ang magkabilang pisngi niya.

"Woah! Ang daya! Bakit nasobrahan ka ata sa gwapo?" Manghang sabi nito at malamang ay agad na lumayo si Zeid sabay tinutukan ito ng espada. "Who the hell-"

"Teka!" Pigil ni Elsie at humarang sa pagitan nila. "A-ano.. Kakilala ko siya at pagpasensyahan mo siya dahil.. May... Konting sira siya sa utak."

"Hoy!" Parang tutol nung butler.

She knows this crazy rat?

Naningkit ang kaniyang mga mata. "Then, why does he works here if he's crazy?"

I Became the Princess of a Fallen Kingdom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon