Chapter 70

4.9K 259 37
                                    


AUTHOR'S POV



"Paano ninyo nahanap ang lugar na ito?!" Sigaw na tanong ni Skye. Nakaluhod na ito ngayon at pinapalibutan ng kadena ang kaniyang katawan. Sa lugar din na 'yon ay nagkalat ang maraming mga knights na pinabagsak nila kahit na apat lamang silang pumunta roon.



"Hah.. At sa tingin mo ba makakatago ka habang-buhay?" Sagot ni Octavius na habang nakatutok ang kaniyang espada rito.


Nandoon din si Serine na tinitignan ito ng masama. "Isa kang hangal na dumukot sa crown princess ng Aragon.. Siguro naman ay handa ka na sa parusa mo."

Sa totoo lang ay dapat bumalik na sila Octavius at Serine sa imperial palace pero dahil sa nangyari, mas pinili nilang manatili na lang at tulungan ang crown prince sa paghahanap kay Elsie. Gamit ng malawakang paghahanap at pag-iimbestiga, hindi rin nagtagal ay nalaman nilang ang ika-apat na prinsipe ng Fraconia ang may kagagawan ng lahat.




Napatigil din silang lahat at nilingon ang kakarating na si Zeid na buhat-buhat ang kaniyang asawa. Napatakip si Serine sa kaniyang bibig at bahagyang napaluha nang makita ang itsura ni Elsie. Halatang ginutom ito at hindi pinainom ng ilang araw dahil sa pumayat at sobrang nanunuyo ang kaniyang labi.

"I-is she?"


"No, she just... fell asleep." Sagot ni Zeid kay Serine na inakalang patay na ito.

Napatawa si Skye. "Kasalanan niya 'yan! Kung hindi sana naging matigas ang kaniyang ulo at sumunod na lang sa 'kin.. Eh 'di hindi sana siya nagkaganyan!"


Ang malamig na ekspresyon ni Zeid ay mas sumama pa. "Octavius, take my wife and go to the imperial palace.. She'll be healed in there."

Napatango si Octavius at kinuha naman kaagad si Elsie. "At paano ka naman?"

"I'll take care of the rest."


Inilabas ni Serina ang kaniyang teleportation map at saka itinuro ang isang lokasyon. Kasabay ng pagpapalibot ng isang ipu-ipo sa kanila ay ang pagkawala rin nila. Ngayon ay ang natira na lang ay si Xavier, si Zeid at si Skye.


"She'll die, Athelstan.." Ngising sabi ni Skye. Hindi sumagot si Zeid bagkus ay hinila niya ang kaniyang espada mula sa sheath nito. "So pathetic, nagpapadala ka sa simpleng emosyon.. Naging mahina ka at siguradong babagsak ka rin dahil sa bagay na 'yan."


"I, Zeid Athelstan Tsaraverich, the crown prince of Aragon empire.. As committing a crime against the crown princess, You, Skye Zainab, the fourth prince of the Fraconia kingdom is thereby punished by the law of the empire," Itinaas na nito ang kaniyang espada. "With death." Pagkasabi niya no'n ay mabilis niyang hinati ang leeg ni Skye.

"Ack!" Nagkalat kaagad ang dugo sa sahig. Una 'y bumagsak ang kaniyang ulo at sumunod din ang walang buhay na katawan nito.

"You are now executed by beheading." Malamig na dagdag ni Zeid pagkatapos ay itinapon ang kaniyang duguang espada sa sahig. "Xavier."
Napayuko kaagad si Xavier.

"Your Highness."

"I'll give you the clean up."

"Ako na po ang bahala."

"Feed his body to the monsters.. And burn this place into ashes." Utos niya bago nagsimulang maglakad paalis.

I don't care who it is.. I would kill anyone who'd dare to hurt my wife...



















I Became the Princess of a Fallen Kingdom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon