Chapter 24

7.1K 353 26
                                    

ELSIE'S POV (Daniela's POV)


Kasalukuyang nakasakay ako ngayon sa kabayo kasama si Lara. Naka tatlong araw na kaming nag-bi-biyahe magmula no'ng gabing 'yon.


>>>>>>FLASHBACK>>>>>

Pang!!

Pang!!

Pang!!

Bigla kaming napatigil sa sunod na sunod na malalakas na katok na nanggagaling sa pintuan ng bahay.

"Miss.." Gulat na sabi ni Lara.

Sh*t! May nakatuklas ba ng bahay na ito?! Imposibl--

"Prinsesa Elsie!" Sigaw ng isang pamilyar na boses. "Ako po ito! Si Hans!" Nanlaki ang aking mga mata.

Architect Hans?!

Dali-dali akong tumakbo papunta sa pintuan at binuksan ito. Bumungad sa 'kin si architect Hans na madumi at pawis na pawis.
"M-mahal na prinsesa!" Hinihingal na sabi nito.

"Lara! Kumuha ka ng tubig.. Bilis!" Utos ko kay Lara na agad din na pumunta sa kusina.

Tinulungan ko itong maglakad papaunta sa sofa at pinaupo rito.
"Heto na po!" Sabi ni Lara at ibinigay kaagad kay Hans ang tubig. Ininom niya naman ito kaagad at saka humingi pa ulit ng pangalawang baso. Sa itsura ni Hans ay parang nanghihina pa ito.

Pagkainom nito ng pangalawang baso ng tubig ay nagsalita kaagad ito.
"I-iyong crown prince n-ng Aragon! Papunta na siya rito!" Na-uutal na sabi niya.

Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig sa nalaman ko.
"What?! Pa-paanong nalaman niya ang lugar na ito?!" Gulat na tanong ko.


"P-pasensya na mahal na prinsesa pero ako ang nagsabi nito.. Hindi ko na po kasi nakayanan ang pagbilanggo nila sa 'kin.. " Napayuko ito at ginulo ang kaniyang buhok.

"Teka, kinulong?" Pag-uulit ko na ikinatango ito.

"Opo, mahal na prinsesa.. Mukhang may nagsabi sa pagpunta ko sa palasyo noon..  Itinanggi ko ito at sinabing wala tayong pinag-usapang importante pero dahil sa ginamitan nila ako ng mahika, nalaman nilang nagsisinungaling ako kaagad.." Sh*t..

So, hanggang ngayon ay hinahanap pa talaga nila ako..

"Apat na buwan nila akong ikinulong at para akong mababaliw na sa paulit-ulit na mga katanungan nila sa 'kin kaya umamin na ako.. P-pero pagkatapos nila akong pakawalan ay sumakay na ako kaagad sa isang kabayo at pumunta rito.." Dagdag nito.

Napatahimik ako saglit at pagkatapos ay napabuntong-hininga.
"Pasensya na kung pinahirapan ka nila ng dahil sa 'kin.." Nagtiis siya ng apat na buwan na huwag sabihin ang kinaroroonan ko kaya normal lang na mawalan siya ng pasensya. Thankful lang ako 't pinuntahan din niya ako.

"Ayos lang 'yon prinsesa.. Nakahinga na lamang ako ng maluwag at mukhang mas naunahan ko ang crown prince sa pagpunta rito.." Napapangiting sabi nito.














I Became the Princess of a Fallen Kingdom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon