Chapter 26

7.1K 371 39
                                    

AUTHOR'S POV


Unti-unting napalingon si Zeid sa babaeng may itim na buhok. Kanina pa ito nakakikinig pero kahit man na mukhang ipinaglalaban nung babae ang Emperor at siya ay nanatiling blanko lamang ang kaniyang ekspresyon na para  itong walang interes o hindi man lang na-touch.


Napamura yung isang lalake at itinuro pabalik si Elsie.
"Ang galing mong magsalita.. Gusto mo atang makatikim sa 'min eh!" Banta nito.


Malamang ay hindi natakot si Elsie pero napa-isip siya kung bakit ba niya pinagtatanggol ang emperor at ang baliw na prinsipeng 'yon.


Though, gustong gusto kong hampasin ng upuan ang lalakeng sumusumbat na 'toh...

"Baka naman kamao ko ang matikman mo?"

Blag!


Nagulat ang lahat sa pagpasok ng isang lalake. Pawis na pawis ito at halatang takot na takot.
"M-may halimaw sa labas!!" Sigaw nito habang itinuturo ang labas.

"Ano?!"

"Halimaw?! Dito sa capital?!"

"Imposible!"

Nagsimulang mataranta ang mga tao sa loob nang nakarinig pa sila ng pagyaning ng lupa at malalakas na ingay sa labas.

"Meron nga!"

"Umalis na tayo!"

"Bilis!"

"Your Highness.." Tawag ni David.
Kalmadong tumayo ang crown prince mula sa pagkakaupo at saka binayadan ang alak na hindi niya man lang nainom.

"Maraming salamat, sir.." Nakangiting sabi ng matanda habang nakayuko. Hindi nagsalita si Zeid bagkus ay nagsimula na silang umalis ni David.


"Hoy! Mga g*go!" Inis na sigaw ni Elsie sa mga lalakeng mabilis na tumakbo na rin palabas.

Mga duwag! Buwiset.

Tumahimik na ang paligid dahil siya at ang matandang may-ari na lamang ng restaurant ang natira.

"Teka.. Asan na ba 'yong alak ko?" Tinignan niya ang alak na hawak-hawak niya at nanlaki ang kaniyang mga mata sa gulat. "Ha?! Sinong sumira ng alak ko?!" Wala sa sarili nitong tanong.



















Marami ang sumisigaw at nagsisitakbuhan sa labas. May mga ilang bahay na rin ang nasira ng dahil sa paglitaw ng halimaw.

"Hisssssssss..."

Blag!

Smash!

Blag!

Napatigil ang crown prince at si David at saka napatingala sa nagwawalang halimaw. Dalawang matutulis na pangil at mahabang katawan. Tinatawag itong Black Reptant, para lamang itong higanyeng ahas na may purong itim na kulay pero gaya ng mga napatay na nilang halimaw, ito rin ay may pulang mga mata at mas dumoble ang laki nito.

Napalunok si David sa gulat at kaba.

Napaka-imposible.. Papaanong nakarating dito sa capital ang isang black reptant?!

I Became the Princess of a Fallen Kingdom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon