Chapter 9

8.6K 470 45
                                    

ELSIE'S POV (Daniela's POV)




I gritted my teeth nang makitang tumatakas si Duke Edmund kasama ang ibang mga knights. That coward! Mas binilisan ko pa ang pag-atake. Kokonti na lang ang kalaban sa daananan. I finished them as soon as possible.

"Oepodus!" I finished the last one tsaka humarap sa mga kasama ko.

"Makipagkita kayo kaagad sa mga lalake sa harap ng mansion.. Sa daan, pwede pa rin kayong makaharap ng knights pero kokonti na lang sila.. Kaya n'yo ba?"

Tumango sila.
"Kami na ang bahala Miss.." Good. Nakipaghiwalay na ako sa kanila at pumunta sa direksyong pinuntahan ni Duke Edmund. I walked in a hallway. Lumiko ako ng daan at sa pinakadulo ay nakita ko ang isang pintuan. Is this a backdoor? I run towards it at binuksan ito.

Nanlaki ang aking mga mata sa nadatnan ko. Mga nakahandusay na mga knights sa lupa at si.. Sir Tudor?!
Hawak-hawak nito ang kwelyo ng Duke.

"Bitawan mo ako! This is treason! I'll punish all of you!" Sigaw ng Duke. Napalingon si sir Tudor sa 'kin tsaka ngumisi.

"Tagal mo naman.. Mahal na prinsesa." Napangiwi ako sa sinabi nito. Sabi nang huwag niya akong tawaging prinsesa eh. Ah, nasa isang malawak na garden pala kami. So mukhang nasa likuran lang kami ng mansion.

"Princess?!" Gulat na sabi ni Duke Edmund.

"Akala ko takot kayong mapatawan ng parusa?" Tanong ko kay sir Tudor tsaka lumapit dito.

"Napagtanto naming nakakababa sa pagkalalake ang hayaan na lamang ang isang patpating babae na sumagip sa mga kasama namin.." Tinignan ko siya ng masama dahil sa pagtawag niya sa 'king patpatin.

Hindi ako patpatin.. I'm fat. Tsaka wow pagkalalake? Talaga lang ha.

"Answer me! Anong princess?!" Hindi makapaniwalang tanong ng Duke. Tinanggal ko ang aking maskara at itim na wig kaya lumugay ang pula kong buhok.

"That's right.. Your grace." Ngisi ko. Pinaluhod ni sir Tudor ang Duke.
"Listen to me, kahit na gustuhin ko man, ayaw kitang patayin.. What you've done is a grave sin.. But, I'll let you live this time.."

Nanginginig itong nagsalita at mas lalong lumuhod. His head on the dirty ground.
"I-I'm sorry princess! Spare me! H-hindi na ito mauulit.."

It's a good thing dahil kahit papaano ay kinakatakutan pa rin si Elsie ng mga aristocrats.

"I don't need your apology! Kung gusto mong mabuhay.. I'll give you a month para ibalik ang mga ibinenta mong mga babae at mga bata!" I looked at him with my coldest and threatening eyes.
"Or you'll be beheaded for trying to harm the princess of this kingdom.."

"Spare me, Princess!! Y-yes! Yes! Ibabalik ko silang lahat!" Mangiyak-iyak na sagot nito. You are brave at doing hideous things like this pero takot din palang mamatay.

Tinalikuran ko na siya.
"Let's go sir Tudor.." Iniwan na namin ang takot na takot na Duke doon. Hahayaan ko muna siyang ituloy ang pamamahala sa lugar na ito. Sa itsura niya ngayon, mukhang hindi na muna siya gagawa ng masasamang bagay.

"Ohh.. That's scary princess.." Biglang sabi ng kasama ko habang nakangisi.

"Psh.. Siguro kung hindi pa ako dumating sa oras, baka napatay mo na siya.. Nga pala.." Pag-alala ko tsaka hinarap ito.
"Kayo ba yung nagpasabog kanina?"

I Became the Princess of a Fallen Kingdom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon