Chapter 51

5.6K 340 34
                                    


ELSIE'S POV (Daniela's POV)





Sa pangalawang araw ng competition, lahat kami ay pinapunta sa banquet hall at noong pagkarating namin ay may mga nakaayos na mga upuan at mga tables para sa 'ming lahat. Sa bawat lamesahan din ay may mga nakahandang ink at quill pen. Oh? Ano na naman kaya ngayon? Nahalata ko rin na wala ang Emperor at si Zeid na mag-ju-judge. Mga konting maids, butler at knights lang ang merong nagbabantay.




"The next task plays a great points in this competition and it would be creating a proposal." Panimula ng butler. "The proposal would be about defining and solving the problems of the empire. You only have 1 hour and 30 minutes to complete this task.." Obviously, dito makikita kung sino ang may awareness sa mga problema ng empire at kung paano masosolusyunan ito.


Yeah, probably titignan kung sinong may utak at kung sinong wala. Heh.


When the timer started, I picked my pen at doon napa-isip. Ano ba ang mga napansin ko sa mundong ito? Typically... Poverty. When it comes to poverty, pwedeng magbigay ng pera, pwede rin ang feeding program, or even health programs. But.. I need something more long lasting. Iyong mas makakatulong sa kanila ng matagal.


Hmm... (==,==)

(O__O)


Education! 'Yon nga!



Nagsimula na akong nagsulat sa papel. Education is the most effective way to help the poor. Sabi nga nila, knowledge is power at dahil nga ang mga nobles lang ang karaniwang nakaka-afford na maka-attend ng academy dito sa mundong ito, it would be probably great kung magkakaroon ng free education for the poor.

Huh?

Napatigil ako nang mapansin ang weirdong pagsuray-suray ng ulo ng babaeng nasa harapan ko as if-

Thud!


Sh*t..

Bigla itong bumagsak sa lupa kaya agad akong tumayo at mabilis na pumunta rito. Hinawakan ko ang kaniyang ulo at ipinahiga sa lap ko.

Anong nangyayari sa kaniya?!

Pinagpapawisan ito at napahingal-hingal na parang hirap huminga.

"Medic!" Tawag ko kaagad pero mga maids at butler lamang ang lumapit sa 'kin.

"May tumawag na po ng doktor! Siguradong parating na sila, my lady." Sabi ng isang maid.


Sh*t, bakit ba walang doktor na nakaantabay?!


Napahawak ako sa noo nung babae at doon naramdaman ang sobrang init nitong temperatura. Nilalagnat siya?! Bakit pa siya pumunta ngayon kung hindi naman pala maganda ang pakiramdam niya?! Damn it.

"May kaya ba na gumamit ng kahit anong healing magic d'yan or kahit anong makakatulong sa pagpapababa ng lagnat?" Tanong ko sa mga candidates but I received no response. Napatingin ako sa paligid. Walang pumapansin sa 'min at lahat lang sila ay busy sa kanilang mga papel as if walang nangyayari. Of course, dahil sa importanteng task ito and it would only be 1 hour and 30 minutes.

I Became the Princess of a Fallen Kingdom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon