Chapter 80

4.8K 194 5
                                    

AUTHOR'S POV



At dumating na nga ang gabi na pinaka pinaghandaan ng lahat—Ang Red moon. Sa gabing ito, imbis na magiging maingay ang paligid, napapalibutan ito ng nakabibinging katahimikan. Walang ibang mga tao bukod sa mga knights at mages na nakakalat. Ramdam rin ang tension sa paligid na mas lumala pa sa pagsapit ng gabi.

"Hindi ko alam pero nagsisitaasan mga balahibo ko." Kumento ni David sabay napayakap sa kaniyang sarili. Kasama nito ang iba pang mga knights na nag-iikot sa kabisera. Puti pa rin ang malaking buwan sa madilim na langit at hindi pa tuluyang nag-uumpisa ang paggiging pula nito. Ayon kay Archmage Hellos, may 10 minutes pa bago magsisimula ang red moon.

Dahil sa wala pang nangyayaring pag-atake sa bayan, mukhang hinihintay ng mga kalaban na opisyal na maging pula pa muna ang buwan. Malamang, hindi lamang sila ang naghanda sa araw na ito.

Kinuha ni David ang isang communication crystal mula sa kaniyang bulsa. "Wala pang kakaibang nangyayari rito." Aniya.

Siguro mamaya pa talaga ang pag-atake nila...

"Sir, natatakot ako." Biglang sabi ng isang knight na kilalang alalay ni David, si sir Jeric. Nilingon naman ito ni David.

"Wala pa nga lang, takot ka na?"

"Takot ka rin naman, sir. Kanina ka pa yumayakap sa katawan mo."

"Maginaw nga kasi." Palusot ni David.

"Talaga?" Hindi naniniwalang tanong ni Jeric.

"Manahimik ka na nga lang 'yan! Sa paligid ka tumingin hindi sa 'kin!"

Kung tutuusin, lahat naman talaga ay hindi makapaniwala sa malaking digmaang mangyayari. Hindi nila inaasahan ang balitang may gustong bumuhay pa kay Isabell at ibalik ang kadiliman sa kanilang mundo. Ayaw nilang mangyari 'yon kaya nagsanay silang maigi upang mapaghandaan ang gabing ito at muling manalo.

Napatingala si Jeric sa kalangitan. "Sir. Mukhang mag-uumpisa na." Sabi nito kaya lahat sila ay napatingala na rin sa kalangitan at napatingin sa buwan na may konting pula na sa gilid.

"Masigsipaghanda na kayo." Sumeryosong sabi ni David.





Sa kabilang banda, mag-isang naglalakad ang isang knight sa isang eskinita nang may narinig siyang iyak. 

Anong ingay 'yon?

Agad siyang nagtungo sa pinanggagalingan ng tunog hanggang sa makita niya ang isang bata na malapit sa tambak ng basurahan. Nakaupo ito habang yakap-yakap ang mga binti nito. Doon ay nag-taka ang knight dahil ang lahat ng mga bata ay inilikas na.

Naiwan kaya siya?

Nilapitan niya ang batang umiiyak. "Bata, ayos ka lang ba?" Tanong niya ngunit hindi sumagot ang bata at napatigil lamang sa pag-iyak. "Bata?" Hahawakan niya pa sana ito nang biglang napatingala na ito at kasabay din no'n ang pag-angat ng kamay nito. Lumabas kaagad dito ang isang black water blade saka tumama kaagad sa knight.

Boom!

Isang malakas na pagsabog ang ikinagulat nila David sa isang parte ng kabisera kaya lahat sila ay agad naging alerto. Tumakbo sila kaagad sa pinanggalingan ng inggay at sa pag-dating nga doon ay naabutan nila ang isang knight na sugatan at walang malay habang sa harapan nito naman ay nakatayo ang isang babaeng bata.  Naka-itim lamang ito ng suot at napaka-blanko lamang ng mukha pero ang mas nakakaagaw ng pansin ay ang kulay itim na diamond-shaped crystal sa noo nito.

I Became the Princess of a Fallen Kingdom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon