Chapter 41

5.9K 365 33
                                    


AUTHOR’S POV



Nakasandal si Zeid sa gilid ng isang pintuan habang nakatingin kay Xavier na nakaupo naman sa kama at may benda rin sa balikat . Ayon sa doktor kanina, bumubuti na daw ang lagay ni Xavier at siguro ay kailangan na lang niya ng isang buwang pahinga bago makisabak ulit sa pakikipaglaban.

"Your Highness.. Hayaan ninyong pagsilbihan ko na kayo ngayon.." Bahagyang nakayuko ang ulo ni Xavier habang sinasabi ito.



"Shut up.. You still need to rest for a month.."

"Hindi importante ang sinabi niya.. Ako mismo ay ramdam kong kaya ko nang makipaglaban, Your Highness.." Seryosong sabi nito na halatamg walang paki sa kundisyon niya.

What should I do? He's really serious..

Imbis na pumayag kaagad si Zeid sa pagbabalik ni Xavier, para pa itong napaisip sabay napahawak sa kaniyang chin.

Xavier is better than my current assistant but..

"No.. You must follow the doctor's advice.. Ayaw kong magkaproblema ka pa kahabang nasa labanan tayo.."


"Your highness—"

"That's an order.." Bakas ang autoridad sa boses ni Zeid. Ibig-sabihin, wala nang magagawa si Xavier kundi ang sundin ito.

"Masusunod.. Pero.. Maari ko ba na malaman kung sino ang bagong assistant ninyo?" Curious na tanong nito. Ang alam lang niya ay isang babae ang panandaliang pumalit sa kaniya at ang babaeng ito ay may natatanging galing din sa pakikipaglaban.



"Ah.. Nothing special.." Sagot ni Zeid. "Mahilig siyang gumawa ng gulo o siguro talagang lapitin lang talaga siya ng gulo.. And thinking of it makes me regret having a contract with her.." Dagdag pa nito. Hindi nagsalita si Xavier, bagkus bahagyang nanlaki ang kaniyang mga mata sa ekspresyon nito.

Bakit? Bakit hindi bakas sa mukha n'yo ang pagsisisi?

Nagulat ito sa isang kakaibang ekspresyon na kailan man ay hindi niya pa nakikita. Ilang buwan pa lamang no'ng nagkaroon si Zeid ng bagong assistant Knight ngunit ngayon ay napansin na kaagad ni Xavier ang konting pagbabago rito.

Anong klaseng tao ba siya?









Pagkatapos ng usapan nila ni Xavier, lumabas na rin si Zeid sa imperial palace. Napatingala ito sa dumidilim na kalangitan sa itaas at doon napansing maggagabi na pala.

Time sure goes fast..

Sa oras na 'yon din ay biglang may sumagi sa kaniyang isipan na malamang ay si Elsie.

She probably went back.. Ipinagluto niya rin kaya ako ngayon gaya no'ng kahapon?






Sumakay na ito sa isang karwaheng nakaparada sa harapan ng gate ng palasyo at doon, nagsimula na ang kaniyang biyahe pabalik.

If not, humanda siya't uutusan ko siyang ipagluto ako ng doble-doble..








Pero ang mga sumunod na pangyayari ay ang hindi nito inaasahan.


Pagkabukas niya sa pintuan papasok sa kuwarto nila sa Inn ay bumungad si Elsie na nakaupo sa mismong maliki at nakabukas na bintana. Nakaharap ito sa labas pero mukhang narinig niya ang pagbukas ng pintuan kaya lumingon ito.

I Became the Princess of a Fallen Kingdom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon