Chapter 10

8.5K 435 49
                                    

ELSIE'S POV (Daniela's POV)



The next two days, inutusan ko si Lara na magimpake ng mga damit at iba pang mga gamit ko pati na rin yung sa kaniya. Were going at the Aragon's Capital. This could take us a week sa paglalakbay through carriage.


"Miss.. Nakahanda na po ang karwahe." Sabi ni Lara. Tumango ako at tumayo na mula sa pagkakaupo sa 'king kama. Lumabas na kami sa kwarto at dumeretso papunta sa harap ng mansion.



Noong nakasakay na kami sa karwahe ay tinanong ko na si Lara.
"Kamusta ang pinapagawa ko?"



" Natapos ko na po, Miss.." Sagot nito. Ipinag-utos ko na ibigay ang monthly allowance ko sa Rica town. Of course, I gave it direct to them not to the crazy Duke. Nalaman ko din nung bago ako umalis sa bayan na 'yon na mataas din ang singil ng buwis sa kanila.



"Good.. Then, magkano na ang naiwang pera ko?"



"299,999,000 gold coins Miss.." Hmm.. No matter how I looked at it. Marami pa rin naman akong pera kahit na nagbigay ako ng 800 gold coins para sa pagpapatayo ng bahay ko pati na rin ang pagpapasahod. I just hope na magiging maganda ang kakalabasan ng gawa nila.




We started our departure. After 2 days of traveling, we arrived at the border of the Aragon empire. Hindi naman ganoong strikto ang mga imperial knights nila, they just ask for our purpose of coming in and some papers of our origin. Sa mga papeles, hindi ko pina-mention na ako ay isang prinsesa pero isang mangangalakal, so, of course, we faked it. I still wore my wig nung chineck nila kami. At last, nakapasok na rin kami.  Another 4 days of travelling, the coachman announced na nasa capital na kami.


Pagkababa namin ni Lara ay napanganga ako kaagad.


It was so.. Lively!



Maingay ang paligid at maraming nagsisigawang street vendors. Nakita ko rin ang mga nagsasayawang mga street dancers sa gilid at iba pang mga performers. Marami rin na mga batang malayang naghahabulan sa paligid.


This is a complete opposite sa mga napuntahan kong lugar nitong mga nakalipas na linggo..

This is a happy town. Napatingin ako kay Lara at napansing medyo napamangha din ito. So, were the same.. 


Una kaming naghanap ng mapagtutuluyan. We checked-in sa isang Inn at iniwan ang mga gamit namin. We are not that tired sa biyahe kaya napagpasyahan naming mamasyal muna sa paligid. 


"Woah! Tignan mo 'yun Lara! Nagbabalat ng patatas yung kutsilyo ng mag-isa!" Manghang sabi ko nang makita ang isang stall na nagbebenta ng mga kutsilyo. Mukhang dito ako mas nakakita ng magics. We also tried eating giant bread knots.. Bubble candy o 'yong higanteng bula lang  na nakadikit sa isang stick. Pero nung kinagat ko, lasang cotton candy lang pala!


"Oy! Try natin 'yon Lara!" Lumapit ako sa isang lakakeng nagtitinda ng pie. Na-miss ko din kumain ng pie! Bumili ako ng isang slice dahil ayaw ng kasama ko. Kinagat ko ito. Hmm.. Nalalasahan ko yung mushrooms, bell pepper tsaka parang may kakaibang ingredient din. Overall, napakasarap din nito.

"Manong! Anong klaseng pie po ba ito?" Tanong ko sa naglalako.

"Isa 'yang worm pie.. Miss." Napatigil ako tsaka napatingin sa hawak-hawak kong pie. Doon ko nakita ang violet na mukhang uod.

I Became the Princess of a Fallen Kingdom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon