Chapter 50

5.8K 418 76
                                    

ELSIE'S POV (Daniela's POV)




Sunod na competition ay lumipat naman kami sa isang napaka lawak na kusina. Blangko kong tinignan ang mga gulay na nasa harapan ko.

At anong kabaliwan naman ba ito? Kailan pa nagkaroon ng cooking game sa crown princess competition?


The butler cleared his throat. "T-this category is created by His highness, the crown prince and he would be also serves as the main judge."


Ang tanda ko, palaging hindi maganda ang kumento niya sa lutuin ko. What the hell?! Is this some sort of his scheme para pahirapan ako?!


"With a time limit of 2 hours create the best dish out from the given ingredients!" Dagdag ng butler at saka napatingin ulit sa kaniyang pocket watch. "The time.. Starts ... Now!"

Napahawak ako sa 'king chin habang tinitignan ang ingredients sa table. Good thing, at may karne ng baboy. Oh? May shrimp pa. Napaisip ako saglit. Yes, that's it! Nag-umpisa ko nang kunin ang aking kutsilyo at binalatan ang kalabasa. Maybe I'll just adopt the dish na alam ko. One hour had passed at naririnig ko na ang mga pabulong na reklamo ng ibang mga candidates dahil sa hirap ng pagluluto sa fireplace. Well, of course paggawa pa nga lang ng apoy eh ang hirap na.





"20 minutes left." Anunsyo ng butler no'ng saktong natatapos ko na ang lutuin ko. Konting luto na lang siguro. Hinalo-halo ko muna ito bago naglakad pabalik sa aking table para kumuha sana ng bowl nang may nabangga ako.

Bump!

Crash!



Hindi lang sa nabangga ako, natapunan din ako ng hawak-hawak niyang pagkaing may kulay orange na sabaw.

"Oh god! Sorry!" Nag-panic na sabi nung babae sabay kuha ng white towel para punasan ang pagkaing niluto niyang kumalat sa 'king white apron at brown dress. Mabuti na lang at hindi gano'n kainit ang pagkain kung hindi, baka napaso na ang katawan ko."H-indi ko sinasadya! I'm r-really sorry!" Sabi nito habang pinupunasan ako.

I waved my hands. "No, it's okay... " Sinabi ko ring itigil na ang pagpunas sa 'king damit dahil mas kumakalat lang ito.

"K-kasalanan ko! Hindi kasi a-ako tumitingin sa dadaanan ko!" Dagdag niya na halos maiyak na.

Hinawakan ko ang kaniyang kaliwang braso. "No.. Its really okay.. No big deal." Ulit ko kaya mukhang napatahan naman ito kaagad.

"T-then, could I ask you for a tea time mamaya?" Alok niya na nagpatigil sa 'kin pero agad din akong ngumiti.

"That's not necessary-"

"Please, doon ko n-na rin ibibigay 'yung kapalit ng damit mo." Pilit niya. Napatitig muna ako sa kaniya saglit bago napatango na rin.

"Alright.. Tea time mamaya." Pag-payag ko.

We continued to have a little bit convo at nakilala ko siya bilang si Lady Juliana Caster. She has a brunette straight hair and brown eyes at anak pala siya ng isang Earl. Palangiti siya at mahinhin kung gumalaw. Well, kung medyo nauutal siya kanina lang, ngayon ay hindi na. So I think that's the effect of her shyness-




"Ahh!" Isang sigaw ang kumuha ng aming atensyon. Doon ay napunta ang aming mga tingin sa isang babaeng nakaupo na sa sahig, nakahawak sa kaniyang chest at humihinga ng mabilis as if hirap siyang huminga. Then just for seconds ay nawalan na siya ng malay.

I Became the Princess of a Fallen Kingdom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon