Chapter 38

6.1K 297 11
                                    


ELSIE'S POV (Daniela's POV)


It's been an hour na kami- I mean si Zeid na naglalakad habang buhat-buhat ako. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin maigalaw ang aking katawan. Buwiset. Parehong nakakainis at nakakahiya lang. Nakakainis dahil binubuhat niya pa rin ako kahit na may kalaban itong halimaw as if ayaw akong iwan muna sa tabi. Nakakahiya dahil hindi ako sanay na binubuhat ako ng ganito, dagdag pa ang sobrang lapit na mukha nito.

Come to think of it, parang familiar ang features ng mukha niya. I'm not sure, parang nakita ko na siya dati kaso hindi ko lang alam kung kailan at saan. It's the same case lang din no'ng naging bata siya.

Well, whatever..

"Zeid.. May kahit anong gamit ka ba d'yan na pwedeng makakapag-papunta kaagad sa 'tin sa gitna ng gubat?" Tanong ko.

"None.. " Tipid na sagot nito.

"Eh 'yong teleportation map?"

"It's only for long distance.. " Kung gano'n, talagang matatagalan kami sa pagdating doon. I clenched my fist.

Oh?

Ginalaw ko ang aking kamay. Nagagalaw ko nga! "Oi! Nagagalaw ko na kamay ko!" Masayang sabi ko sabay pakita ng kamay ko sa kaniya.

Napataas ang magkabilang kilay niya.
"And your feet?" Tanong nito. Sinubukan kong igalaw ang aking mga paa pero hindi ko pa rin maigalaw.

"Hindi ko pa rin maigalaw.." Napasimangot na sabi ko pero agad din na naningkit ang aking mga mata nang makita ang saglit na pag-angat ng gilid ng labi nito. "Hoy! Nakita ko 'yon! Masaya ka ba na nasa ganitong sitwasyon ako?!"

"You're the one who said that.."

"Tumigil ka! Alam ko na sa kaloob-looban mo, pinagtatawanan mo ako!"

"Wala akong sinabing pinagtatawanan kita." Simpleng sagot lang nito. Tinignan ko siya ng masama. Wala ka pa talagang planong aminin? Badtrip ka talaga!






More minutes had passed at doon ko na nga tuluyang nagalaw ang aking mga paa. Sinabi ko kay Zeid na ibaba niya na muna ako para subukan kong maglakad at ginawa niya naman. Pagkaapak ng mga paa ko sa lupa ay nakatayo ako pero no'ng sinubukan kong maglakad ay biglang nanghina ang aking mga binti.

Wah!

Mabuti na lang at bago pa ako bumagsak ay mero'n si Zeid na agad humawak sa bewang ko kaya sa katawan niya ako napakapit. Gosh, muntikan na ako. (-,-)

"You don't need to force yourself." Parang na-iinis na sabi nito sa 'kin.

"I'm not! Kaya ko ito, nanghina lang saglit 'yung mga binti ko." Sagot ko sabay napabitaw sa kaniya. I started to walk again at nagawa ko naman sa wakas!

Kingina! Nakakapaglakad na rin ako sa wakas!

"Yes! Hohoho!" Masayang sabi ko pero napatigil nang makita ang hindi ma-explain na mukha ni Zeid. "What's with your freakin' face?" Taas kilay na tanong ko.

"Nothing.." Sagot niya at tinalikuran na ako saka nagsimulang maunang maglakad.

"Teka!" Sabi ko at humabol kaagad. But this time, hindi na siya gano'n kabilis na maglakad gaya ng dati. Parang hinayaan niya akong makahabol sa kaniya. "Hoy Zeid.. Pwede ka naman nang pumunta sa capital.. Kaya ko na itong ma- ah, biro lang!" Bawi ko kaagad nang bigla niya akong tinignan ng masama.

I Became the Princess of a Fallen Kingdom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon