Chapter 42

18 2 0
                                    

2 years later.

Walking alone at somewhere not familiar to me, thinking maybe I'd get some fresh air and think for a second.

I needed space, I needed time. I ran away, again.

"Life is so unjust, isn't it?" I whispered to myself.

Napatawa ako mag-isa, hindi ko alam. Wala akong iniisip na iba, pero ang alam ko lang ay gusto kong tumawa. Siguro baliw na ko? Hindi ko rin alam.

Dalawang taon na ang nakalipas, pero kahit anong gawin ko ay nandito pa rin yung sakit. Hindi mabura, hindi maalis, hindi makalimutan.

Parang sirang plakang paulit-ulit sa utak ko ang pangyayaring iyon. Maging sa puso ko ay hindi mabura, na tila ba naging isang marka na kahit kailan at kahit anong gawin ay hindi mawala-wala.

Hindi ko maintindihan kung bakit napakadaya ng mundo. Masyado akong pinapahirapan sa buhay kong 'to. Ganon na lang ba kalaki ang kasalanang nagawa ko sa nagdaang buhay ko para pagdaanan ko ang ganito ngayon?

Ang gusto ko lang naman ay maging masaya. Ngumiti, tumawa, kasama ang mga taong sa akin ay mahalaga. Ngunit bakit sa halip na saya ang maramdaman ko'y naging puro pighati at luha? Anong nagawa ko para maging ganito kalungkot ang buhay na mayroon ako?

Sa ilang beses na sinubukan kong umunawa, magpatawad, at magmahal. Bakit palaging sa huli ay ako pa rin ang kawawa, talunan, at iniiwang lumuluha?

Bakit sa tuwing bubuksan ko ang puso ko para magmahal ng iba, wala na akong ibang nakuha kundi sakit at pagluha.

Sa bawat sayang ibininigay ko, luha ang bumabalik sakin. Na sa bawat pagtitiwalang ibinibigay ko ay puro panloloko ang bumabalik sakin. At sa bawat purong pag-ibig na iniaalay ko, kapalit nito'y pag-ibig na sa tingin ko'y hindi naman karapat-dapat para sakin.

Gusto kong magreklamo, gusto kong kwestyunin ang planong nakalaan para sa akin. Ngunit sa tuwing gusto ko'y tinatanong ko rin ang sarili ko kung mayroon nga ba akong karapatang gawin 'yon.

"Blythe!"

Kaagad akong nagpunas ng luha matapos kong marinig ang boses na iyon.

I tried to compose myself before looking at him and giving off a smile.

"Sabi ko gusto kong mapag-isa. Bakit sinundan mo na naman ako?" Bungad ko sa kanya paglapit niya sakin, pero kaagad lang siyang umiling at ngumisi.

Kinuha niya ang hawak-hawak ko at siya na ang nagdala non.

"Nagugutom ako. Tara, kain." Sabi niya sakin saka siya tumawa ng mahina.

Hinampas ko siya at napatawa dahil sa sinabi niya. Parang tanga.

"You followed me all the way here, just to ask me out?" Natatawang tanong ko sa kanya na kaagad naman niyang nirespondahan ng pagtango.

Napailing na lang ako at tinawanan siya. I clung my arms onto him and left out a sigh.

Siguro nga ay mabait pa ang mundo at itinira ang taong 'to sa tabi ko.

"Okay! Hmm, saan kaya tayo pwede kumain? Anong gusto mo?" Tanong niya sakin.

Nag-isip ako saglit at sinuri kung ano bang gusto ko pero wala akong maisip.

"Ikaw, kung ano na lang gusto mo." At iyon na lang ang naisagot ko sa kanya.

"Ikaw ang gusto ko eh, paano ba 'yan?" Natatawang sabi niya sakin na siyang ikinatawa ko rin.

Sa loob ng dalawang taon na siya lang ang kasama ko, hindi na bago saking marinig 'yon mula sa kanya. Sanay na ko. Palagi kong naririnig 'yon sa kanya.

Memories of You (Completed)Where stories live. Discover now