Chapter 35

19 3 0
                                    

Mabilis ang paglipas ng oras na parang hangin lang na dumaan. Parang kailan lang ay nag-aaral kami ng Senior High School, pero ngayon I am now studying in College and even engaged.

As for the marriage, hindi naman kami nagmamadali. Colm said we can get married anytime I tell him I am ready. Pero ngayon, sapat na muna siguro yung engage kami at mag-aral muna. Then after we graduate and settle down, perhaps pwede na.

Besides, we don't go to the boyfriend-girlfriend thingy, but still I want us to know each other more. Dahil alam ko, marami pa kaming hindi alam sa isa't isa. Marami pa kaming malalaman at matutuklasan. Gusto ko, magpakasal at matali sa taong kilala ko na talaga ng lubusan.

“Hey, good morning.” bungad sakin ni Colm saka siya tumayo at lumapit sakin para humalik sa pisngi.

It's so early in the morning and here he is, preparing breakfast in our garden. I just find it so sweet and romantic.

“Oh, si Colm pa ang nagluto ng lahat. Ang aga niyang dumating dito sa bahay para ipagluto ka.” nakangiting sabi sakin ni Mommy.

I appreciate it. Na gusto ng parents ko si Colm para sakin at pinapakisamahan nila ng maayos ang lalaking makakasama ko habang buhay.

“Sus, sakin ka matuto Colm. Ituturo ko sayo kung paano ko nakuha ang Tita Andrea mo.” bigla ay sabat ni daddy.

“Wow, ang kapal ng pagmumukha mong lalaki ka!” bulyaw ni mommy kay daddy saka niya ito hinampas sa braso.

Natawa na lang kami ni Colm at naupo na, habang ang mga magulang ko ay patuloy sa pagbabangayan na parang mga bata at akala nila ay wala kami dito.

“I heard favorite mo 'to.” sabi ni Colm saka siya naglagay ng pagkain sa plato ko.

“Lahat naman 'yan paborito ni Blythe eh.” sagot ni mommy.

Tinignan ko lahat ng nakahain at tama nga si Mommy. Lahat ng niluto ni Colm ay paborito ko. I bet he learned this at home. O baka ay nagpaturo sa Mama niya.

“Thank you.” nakangiting sabi ko kay Colm saka ko hinawakan ang kamay niya.

Ngumiti siya sakin at tinanguan lang ako as a response sa pagpapasalamat ko sa kanya. And after that, kumain na kami.

We talked about the wedding and such. Para kahit malayo pa daw ay mapaghandaan na. Hindi naman sa ano, pero since nag-iisang anak ako, gusto nila Mommy na maging engrande yung kasal ko. And I think, Colm's mother think of that way too.

“Let's go out later, okay? May pupuntahan tayo.” nakangiting sabi sakin ni Colm.

Tumango lamg ako at tumango sa kanya saka ko ipinagpatuloy ang pagkain.

Hindi ko alam, pero nandito pa rin yung kaba ko sa tuwing kasama ko si Colm. I want us to go back on how we used to be—iyong komportable kami sa isa't-isa. Gusto kong bumalik kami sa ganon, pero hindi ko alam.

I don't know what's wrong or what's in between us that I cannot see. It's like there's an invisible barrier that I do not know how to get rid of it. Neither him. I don't think he feels it.

“Siya nga pala Blythe, have you talked to your cousin?” bigla ay tanong ni mommy.

“Mom, sino sa kanila?” tanong ko sa kanya.

Malay ko ba kung pinsan ko sa side ni daddy ang sinasabi niya o baka naman si Claire ang tinutukoy niya. Kasi kung si Claire ay hindi ko alam. Nung huling binisita ko siya ay ganon pa din, walang nagbago. Tulala lang siya tapos tumatawa mag-isa bigla. O hindi kaya, kapag kinakausap ko siya bigla bigla niyang binabanggit si Aidan. Hindi ko na tuloy alam kung tama bang dinala siya sa mental o hindi kasi parang hindi naman siya gumagaling.

Memories of You (Completed)Where stories live. Discover now