Chapter 38

31 3 0
                                    

I have been into several relationships, but it all failed. Perhaps, I haven't met the right one for me. Maybe I haven't met the man of my dreams yet. And maybe, I am just about to meet him sooner or later.

But love is not something I would rush. Love can wait. The right one will come to me without trying to find him at all. The right one will appear in right in front of me when the right time comes. And I told myself that if it happens, I will surely never let go of him. I will hold on to that man and love him for the rest of my life.

And he did appear before me. Colm appeared before me.

“Let's talk love. Ayokong mas humaba pa 'tong hindi pagkakaintindihang 'to.” Hinawakan niya ang kamay ko at naupo siya sa harapan ko.

Tinignan ko lang siya at hindi ako nagsalita ng kahit na ano. Marahil, hindi ko alam kung ano ang isasagot o sasabihin sa kanya. May mga ideyang naglalaro sa isip ko at ni hindi ko alam kung tama ba o ikakapahamak ko.

“Will you not lie to me then?” taas-kilay na tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya ng pilit ang tumango sakin bilang pagsagot.

“I heard you and Neo talking the other night.” deretsong sabi ko sa kanya.

Siguro nga ay ito na yung best way para magkaayos kaming dalawa at maalis iyong pader sa pagitan namin. Maybe being honest would save us both.

“There is....someone else. I have met her, before I met you.” sambit ni Colm.

“Bakit ka nagsinungaling sakin kung ganun? Ang sabi mo, ako iyong unang babaeng minahal mo Colm.” sagot ko sa kanya.

Hindi ba nila alam kung gaano kasakit maloko? Iyong papaniwalain ka sa isang bagay na akala mo ay totoo pero kasinungalingan lang pala. Iyong ipaparamdam sayo na ikaw ang una at huli, pero hindi mo alam na may nauna na pala sayo.

Ang hirap hirap magtiwala kung sa tuwing gagawin mo 'yon ay lolokohin ka, sisirain ang tiwalang ibinigay mo. Mangangakong hindi na uulit, pero sa huli ay uulit pa din sa pagkakamali.

How many times do we need to be forgiving just so they wouldn't do the same mistake over and over again?

“I....I didn't mean to lie. I kept it from you, yes. Ginawa ko 'yon dahil ayoko na ngang bumalik sa nakaraan. Iniwan ko na sa nakaraan ang lahat kaya dun na lang 'yon.” pagpapaliwanag niya.

“Naglihim ka pa din sakin Colm. I deserve to know. Masaktan man ako o hindi, I deserve to know.” sabi ko sa kanya.

Napabuntong-hininga siya at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

“I am sorry. I just thought it is not important anymore because I do not care about her now.” malungkot na sabi ni Colm saka siya nag-iwas ng tingin.

Gusto kong maging kampante sa naging sagot niya. Gusto kong maniwalang totoo ang sinasabi niya. Pero iyong mga mata niya, iyong boses niya....alam kong nagsisinungaling na naman siya.

Nakaramdam tuloy ako ng takot at kaba. Papaano kung bumalik bigla ang babaeng 'yon? Paano kung bumalik siya para kunin sakin si Colm? Paano kung maguluhan si Colm? Paano kung....paano kung hindi ako ang piliin niya?

Ang hirap makipagkompitensya sa nauna. Hindi ko yata kaya. Sino lang naman ako diba?

“Tell me honestly Colm. Mahal mo pa ba siya?” deretsong tanong ko sa kanya.

“Why would you ask that? I am in love with you now. It's only you.” sagot niya sakin.

Ngumiti ako ng bahagya at hindi maiwasan ang pagtulo ng mga luha ko. Bigla akong nakaramdam ng pagkirot sa puso ko.

Memories of You (Completed)Where stories live. Discover now