Chapter 25

33 3 1
                                    

A day passed after what happened. Colm took me home, not to tita Amelia's house, but in our house. He said that maybe, it'll help me ease my mind.

And I have been thinking things...a lot.

Iniisip ko kung ano nga ba yung nararamdaman ko. Tinitimbang ko kung sino ba talaga yung mas hindi ko kayang mawala sakin. Sinusubukan kong i-imagine yung buhay ko in case sino sa kanila ang mananatili at mawawala. Pero pakiramdan ko ay mababaliw ako sa kakaisip.

Hindi sa ayokong pakawalan si Colm, dahil alam kong pagiging makasarili ang ikulong siya sa mga bisig ko gayong alam kong hindi ko kayang tumbasan iyong nararamdamaman niya sakin. Pero ayokong pakawalan siya kasi...hindi ko alam. Iyon ang totoo, hindi ko matukoy ang dahilan. Basta naiisip ko, kapag wala siya ay kulang ako. Parang palaging may kulang kapag wala siya na hindi kayang punan ng ibang tao.

At hindi rin sa ayokong kalimutan o mag-move forward kay Aidan. Pero nahihirapan akong gawin. Na sa tuwing pipikit ako, alaala niya ang nasa isip ko. Na sa tuwing nakikita ko siyang may kasamang iba, masaya sa iba, nasasaktan ako. Dahil siguro nasanay akong siya iyong nandiyan para sakin. Nasanay akong siya yung parati kong natatakbuhan noon. At kaya siguro hirap akong kalimutan siya dahil totoo ang sinasabi nila. Sinusubukan kong gawin, pero hindi ko ginagawa.

Mahirap...mahirap timbangin kung puso at isip ang naglalaban. Dahil hindi sa lahat ng oras ay tama ang sinasabi ng utak at hindi rin sa lahat ng oras ay tama ang ibinubulong ng puso.

At ayokong magdesisyon na may ganitong klase ng emosyon. Ayokong sa huli ay makagawa ako ng desisyon na baka pagsisihan ko sa huli...habang buhay. Natatakot akong magkamali.

Hindi ko na alam.

Natatakot akong maling tao ang mapili ko sa tamang pagkakataon at natatakot akong tamang tao ang mapili ko pero sa maling pagkakataon.

Dahil aminin ko man o hindi, alam kong hindi sa lahat ng oras ay aayon sakin ang tadhana at panahon. At kagaya ng depinisyon ng pag-ibig, mismong ang tadhana ay mapaglaro.

“Blythe anak, I brought you some cookies and milk.”

Napaayos ako ng upo sa kama ko matapos bumukas ang pinto at pumasok si mommy.

Lumapit siya sakin at inilagay sa desk ko ang dala niyang pagkain saka siya tumabi sakin matapos niya 'yong mailapag.

“I noticed that you've been spacing out lately. May problema ba anak?” sabi ni mommy

Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya kaya mas lalo akong nabuburden sa nararamdaman ko dahil pakiramdam ko ay ang daming taong nadadamay dahil sa nararamdaman ko.

“Is this...about Aidan?” tanong ni mommy

Hindi ako nagsalita, pero tumango ako bilang pagsagot sa kanya.

Kagaya ng nakagawian ko, pinaglaruan ko ang mga daliri ko dahil hindi ako mapakali.

Hindi ko alam kung paano ko ba 'yon i-oopen up kay mommy gayong hindi naman ako sanay magsabi ng problema sa kanya o kahit kay daddy. Dahil nasanay akong sinasarili ko ang lahat.

“Tell me what are you thinking. Makikinig ako anak.” sambit ni mommy saka niya hinawakan ang kamay ko

I heaved a deep sigh and tried to conquer my tears.

“Mom, you told me you had three men in your life. Tito Kevin, Tito Ares, and dad. But how come you choose dad over someone else when you knew they are a lot better than him?”

Hindi ko alam kung dapat bang iyon ang itinanong ko kay mommy. Hindi ko alam kung tama bang tinanong ko iyon at magbalik tanaw sa nakaraan. Pero baka sakali...baka sakaling masagot ang tanong sa isipan ko.

Memories of You (Completed)Where stories live. Discover now