Chapter 39

27 3 0
                                    

"Blythe, wake up!"

Kaagad akong napabangon at napamulat habang habol-habol ko ang hininga ko at kaagad na ibinaling ang tingin kay Colm na ngayon ay nag-aalala ang itsura.

Kusa na lang akong napaiyak matapos kong maalala ang lahat. Panaginip lang pal bya.

"What's wrong love? Lumabas lang ako saglit to check on our breakfast tapos pagbalik ko ay umiiyak ka na. I couldn't even wake you up! I was so worried love! What's wrong?" deretsong sabi niya habang hawak-hawak niya ang mga kamay ko.

Pero imbes na sumagot ay tuluyan akong humagulgol. Hinila niya ko papalapit sa kanya at niyakap ng mahigpit habang hinahagod niya ang likuran ko.

"Hush now. I'm here. Whatever is that, it's just a dream. Forget it." bulong niya sakin.

Nanatili kami sa ganung posisyon hanggang sa medyo kumalma na ako pero hindi pa rin maalis sa isipan ko iyong panaginip na 'yon.

All I remember is that I was with Neo, we were talking and right after that....the dream happened. A bad dream. A nightmare.

Iniisip ko tuloy, papaano kung totoo ang panaginip na 'yon? Paano kung si Minella nga iyong unang babaeng minahal ni Colm? Paano....ako?

"Mag-ayos ka na. Hihintayin kita, saka na tayo bumaba para kumain." nakangiting sabi sakin ni Colm saka niya inayos ang buhok ko.

He wiped away my tears as he was smiling at me and I swear, it calmed my heart.

"Colm....hindi mo naman ako iiwan diba? Hindi mo ko lolokohin?" bigla ay tanong ko sa kanya.

Napabuntong-hininga siya at tinignan ako ng deretso sa mga mata.

"I told you to stop doubting me, love. Kagaya ng sinabi ko sayo noon na uulitin ko na naman ngayon, hindi kita paghihirapang kunin at hihintayin ng ganito katagal kung lolokohin ag sasaktan lang naman kita." sagot niya sakin.

Iyon lang ay sapat na para mapanatag ako. Kaya tumango ako at ngumiti sa kanya saka na ko tumayo para dumeretso sa banyo.

Pero kahit sa pagligo ay hindi ko pa rin maiwasang isipin iyon. At hinihiling ko na sana ay hanggang sa panaginip na lamang iyon, dahil kapag naging totoo ay hindi ko alam ang gagawin ko. Mahirap manimbang sa dalawang taong mahalaga sayo.

Iniisip ko tuloy na kung totoo man iyon ay mas gugustuhin kong magparaya kaysa kami ni Minella ang magkasira. Handa akong magsakripisyo para sa sarili kong kadugo. Handa akong humakbang paatras, kung iyon nga ang nararapat kong gawin. Dahil kahit saang anggulo tignan, mas matimbang ang kadugo.

Pero sumasagi rin sa isipan ko, hindi masamang lumaban at ipaglaban iyong taong mahal ko. Dahil kung tutuusin, kaya ko naman siyang ipaglaban sa kahit na ano at kahit kanino. I have seen a future with Colm at hindi ko hahayaan na ganun ko lang siya kadaling bibitawan. Mahal na mahal ko siya kaya't ipaglalaban ko siya hanggang dulo.

Hinihiling ko na lang na sana ay huwag umabot sa ganung punto. Na sana ang panaginip ay manatiling hanggang panaginip na lamang talaga. Masamang pangitain pero hindi ko alam kung paano ko malulusutan kung sakali mang magkatotoo.

"After this, we'll go home straight alright? Magpahinga ka muna. Then maybe tomorrow, we can go and meet our wedding planner."

Iyon ang naging bungad sakin ni Colm pagkalabas ko ng bathroom kaya tumango ako at ngumiti sa kanya.

Hindi ko maiwasang isipin, pero mas nananaig sakin ang mga katagang binitawan ni Neo. At tama siya. Hindi ako aalukin ng kasal ni Colm kung hindi siya seryoso sakin at kung hindi niya ko mahal. Siguro naman ay hindi niya ko iiwan sa ere at pagmumukhaing tanga.

Memories of You (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz