Magdamag akong mulat ang mga mata. Hindi makatulog. Iniisip ko pa rin yung nangyari samin ni Aidan. Talaga bang...tapos na?
Napabuntong-hininga ako saka ako lumabas ng kwarto ko, pero bago pa man din ako bumaba ay nakita ko si Colm dun na kausap ang mga magulang ko.
What is he doing here so early in the morning?
“Si Blythe pa rin naman ang magdedesisyon. Nandito lang kami para gabayan siya.” rinig kong sabi ni daddy kay Colm
Napakunot-noo ako matapos kong marinig iyon.
“Iho, alam mo naman ang sitwasyon ni Blythe ngayon. Tsaka, alam ko at alam mong masakit pa ang nangyari sa kanila ni Aidan.” sabat naman ni mommy
Is he...
“Naiintindihan ko po tita. Handa naman po akong maghintay hanggang sa maging okay na siya. Gusto ko lang po talagang pormal na ipagpaalam sa inyo kung pwede kong ligawan si Blythe.” nakangiting sabi ni Colm
Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman ngayon.
Dapat ba kong matuwa na ginawa niya ang dapat naman talaga which is ipagpaalam ako sa mga magulang ko? Dapat ba kong mainis kasi bakit kailangan niyang dumagdag sa mga iisipin ko? O dapat ba kong malungkot kasi para akong nagpapaasa ng taong maghintay sa wala?
“Colm.” pagtawag ko sa kanya habang bumababa ako ng hagdan
Napatayo siya at nginitian ako, pero hindi ko iyon magawa ngayon. Nanatiling seryoso ang tingin ko sa kanya.
I know I asked him to stay with me...pero hindi sa ganitong paraan.
“Sabay na tayo pumasok.” nakangiting sabi ni Colm
Tumango lang ako bilang pagsagot sa kanya.
Lumapit ako kila mommy at daddy para humalik at magpaalam. Saka na ko naunang lumabas ng bahay.
I heard Colm na nagpaalam pa sa mga magulang ko bago siya sumunod sakin at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse niya.
“Good morning.” nakangiting bati niya sakin pagpasok niya ng kotse pero hindi ko siya sinagot
I know he can feel that there's something wrong kaya he didn't say anything anymore and started driving.
Pero habang nasa daan kami ay ako ang hindi mapakali. Hindi ko alam ang gagawin.
“Colm.” pagtawag ko sa pangalan niya
“Hmm?” sagot niya
Humarap ako sa kanya pero deretso sa daan ang mga tingin niya.
“What are you doing?” tanong ko sa kanya
Saglit siyang natahimik and I saw how he flashed a fake and gloomy smile.
“I just don't want to waste any chances I could get.” sabi ni Colm
“Aidan and I....alam mo namang katatapos lang nung kung anong meron kami. Diba?” sabi ko sa kanya
“Alam ko.” kaagad na sagot niya
“Then why are you doing this? Why make it hard for me? Alam mong hindi ko kayang saktan ka.” sabi ko sa kanya
Maya-maya pa ay itinigil niya ang sasakyan at nakita kong nasa tapat na pala kami ng school.
“Huwag mong problemahin o isipin iyong nararamdaman ko. Kung masaktan man ako, choice ko 'yon.” sambit niya
![](https://img.wattpad.com/cover/235864735-288-k532774.jpg)
YOU ARE READING
Memories of You (Completed)
RomanceBlythe Leighton del Fiego's entire life is filled of twists and turns, tragedies, setbacks, and multiple deaths. In order to achieve happiness existence, she fought to overcome everything and to stay alive. However, what if the freedom and happiness...