Chapter 10

50 2 0
                                    

It's late at night and I still couldn't sleep. I do not know why. Siguro naninibago ako at hindi ko kwarto ang tinutulugan ko ngayon.

Bumangon ako para bumaba at kumuha ng tubig sa fridge. Pero bago pa man din ako makababa ay nakita kong nakaawang ang pinto ng kwarto ni Colm.

Hindi ako nag-alinlangang pumunta roon at bubuksan sana, pero narinig kong may kausap siya sa phone kaya hindi ko muna binuksan.

“Hello, good evening Ma'am. I'm sorry I called this late. I was about to call you po kanina pero nawala sa isip ko saglit. Blythe is with me po. By the way, I am Colm Argyros Figueroa. I live nearby. Nakita ko po kasi si Blythe kanina sa daan and she doesn't want to go home kaya sinama ko na lang po muna sakin.” pagpapaliwanag ni Colm

I bet he's talking to my mom and I wonder where did he get her number. Baka kila Roisin?

“Hindi ko po sigurado kung natutulog na siya, kasi nasa guest room po siya Ma'am.” sambit pa niya

He's so magalang. Ni ayaw niyang tawaging Tita si mommy. Napakapormal niya masyado.

“Hindi ko rin po masasabing okay siya ngayon because I think she's not. She looks not so fine Ma'am.” sambit ni Colm

Buti pa ang iba tao ay napapansin nilang hindi ako okay. Nakikita nilang hindi ako okay. Eh sarili kong mga magulang? Hindi. Kasi hindi naman nila ko nakikita. Hindi nila ko napapansin. Saka lang naman nangyayari 'yon kapag nagkakamali ako. They notice me for my mistakes and not for the right things I do.

Nakakasawa rin minsan ang ganon. Kailangan mong maging yung taong hindi naman ikaw para lang matanggap at mahalin ka nila. Para lang hindi sila madisappoint sayo. At sobrang hirap gawin 'yon.

You're making yourself someone who isn't you just to be loved by them.

“Hindi ko naman po pababayaan si Blythe. Yes po. Opo. Have a good night po.” sabi ni Colm

Matapos iyon ay ibinaba niya ang cellphone niya. Ilang saglit pa ay papasok na sana ako pero may tinawagan ulit siya at hindi ko na alam kung sino pa.

“She's with me.” pormal na sabi niya

Hindi naman nakalagay sa tenga niya ang cellphone niya.

“And what is she doing at your house, you motherfucker?”

Boses iyon...ni Aidan.

Why did he call Aidan to tell him I am here? For what reason?

“Bakit hindi mo itanong sa sarili mo? She called you so many fucking times Castellano. Kung hindi ko siya nakita sa daan ay baka napano na siya. Ganyan ka ba talaga? Ganyan ka ba mag-alaga ng taong ayaw mong mawala? Kung ganon, magpractice ka muna. Mag-seminar ka kung pwede. Kasi sa ginagawa mo, sumasablay ka.” seryosong sabi ni Colm

Memories of You (Completed)Where stories live. Discover now