Chapter 43

20 2 0
                                    

And still, I was left alone, thinking of so many questions left unanswered by him.

Iniisip ko lang, kung hindi na masaya sa relasyon, bakit kailangang magloko? Bakit kailangang maghanap ng iba?

Kung may kulang o kung sumobra, bakit kailangang kumaliwa? Bakit kailangang hanapin sa iba yung kulang? Hindi ko maintindihan.

When people choose to cheat, did they ever think of what kind of pain they will leave  behind to the victim? And in the first place, bakit kailangan nilang mag-cheat?

Hindi ko lang kasi maintindihan. Tipong masaya naman kayo, ayos naman kayo. Pero bukas makalawa, malalaman mo na lang na may iba na pala. May iba pa pala.

At ganon pala talaga 'yon. Tama nga sila, huwag kang matakot sa susunod na makikilala niya. Dapat kang matakot, dun sa nauna bago ka. Ang hirap pala noh? Ang hirap makipagkompitensya sa pag-ibig na kahit kailan ay hindi naman pala nawala.

First love never dies after all. Indeed, it is true. And what? Greatest love can bury it? I doubt it. How can a greatest love can bury the first love that never dies?

“Hey.”

Kaagad akong umayos at nagpunas ng luha bago tuluyang liningon si Neo na ngayon ay kararating lang galing sa hindi ko alam kung saan.

He looked at me with those worried eyes, asking me if I'm okay, but all I can do is to smile at him as an assurance that I am okay.

“Paano mo ba sila nakita dun?” Kaagad ay tanong niya, walang paligoy-ligoy

Hindi ko rin naman ginustong makita sila dun. Hindi ko inaasahan. Nagulat din ako na nasa iisang lugar lang kami. Worse than that, anak nila na kapangalab ko pa ang naging tulay para magtagpo ang landas naming tatlo.

“I don't know din. I just happened to find their lost kid.” Sagot ko sa kanya.

Oo, ganon kasimpleng sagot dahil ayokong pag-usapan. Ni ayaw kong marinig ang pangalan nilang dalawa at ni ayaw kong maisip ang mga mukha nila. Mga traydor.

“Blythe.” Seryosong pagtawag ni Neo sa pangalan ko.

“Neo.” Pagtawag ko sa pangalan niya, saka ako sumulyap sa kanya. “Hindi pa ba ko sapat? May kulang ba sakin? May sobra ba sakin?” Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

Hindi ko mapigilan, pero kusang tumulo ang mga luha ko matapos kong bitawan ang mga tanong na 'yon.

I was left alone, asking myself where did I do wrong? Anong kulang sakin? Anong sobra sakin? Anong wala sakin at anong meron na inayawan niya sakin?

Kasi ang sakit sakit. Hanggang ngayon, sobrang sakit pa rin. Hindi mawala. Araw-araw, hindi naiibsan yung sakit na nararamdaman ko na para bang bawat araw, panibagong sugat 'yon na dumudugo. When in fact, it's a wound from 2 years ago already and it hasn't heal until now.

“Alam mo kung anong sagot diyan.” Malamig na sabi sakin ni Neo.

Natawa ako ng mahina saka ako nagpunas ng luha.

Sa tuwing itatanong ko sa kanya 'yon, ay iyon lang din ang isinasagot niya sakin. Parehas na sagot sa parehas na tono ng boses niya, walang nag-iba.

“Kung ganon, bakit? Bakit niya ko nagawang lokohin?” Tanong ko kay Neo.

Alam kong hindi ko naman siya dapat tinatanong, dahil hindi naman siya si Colm. Na ang taong tanging makakasagot lang sa tanong ko ay si Colm mismo, pero hindi ko magawang maitanong.

“Sabi niya, mahal na mahal niya ko. Kailan tumigil siya tumigil sa pagiging totoo sa tuwing sasabihin niyang mahal niya ko?”

Binigay ko naman lahat lahat. I loved him with all my heart. I gave everything I could ever offer. I forgot about myself, for I fear that one day I'd be losing him. And it did happen, I lost him.

Memories of You (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن