Chapter 11

43 2 0
                                    

Dumaan ako sa bahay para kunin ang mga gamit ko bago pumuntang school and luckily, my parents are gone for work so early.

Hindi ko alam kung matutuwa ba kong binigyan nila ko ng oras o dapat ba kong malungkot dahil hinayaan lang nila kong makitulog sa ibang bahay kagabi.

“Umuwi ka na mamaya Blythe ha? Narinig ko ang mommy mo kanina. Kausap ang tito Hans mo, uuwi daw yata siya.” sabi sakin ni manang Ely

“Really?! That's good then! Finally manang, may makakasama na ko dito sa bahay. At least, tito Hans will not leave me alone.” sambit ko

“O siya sige. Pumasok ka na at baka ma-late ka pa sa school mo. Heto, ginawan kita ng baon.” sabi sakin ni manang Ely saka niya iniabot sakin ang lunchbox at kaagad ko namang kinuha iyon saka siya nginitian

At least, someone who doesn't run the same blood as mine cares for me like this. That's why I don't believe in what other says like “blood is thicker than water,” because honestly, if I were to born once again, I'd choose them as my family.

Buti pa iyong mga hindi ko kadugo ay kaya akong itratong parang sarili nilang anak. Kaya nila kong mahalin, pakinggan, at intindihin na parang sarili nilang anak.

But how about my parents? I always disappoint them. Kailangan ko pang magkamali o 'di kaya ay gumawa ng mali, dahil sa paraang 'yon napapansin nila ko.

“Salamat manang! I'll enjoy the food! Bye po!” pagpapalaam ko saka ako kumaway at tumakbo papalabas ng bahay saka kaagad na pumasok sa sasakyan

“Naku Blythe, buti naman at umuwi ka na. Sobrang nag-alala ang mommy mo sayo kagabi at hindi mapakali. Hinanap ka namin kung saan-saan.” sabi sakin ni Manong

“Talaga po? Eh si daddy?” tanong ko sa kanya

“Ay naku! Nag-alala din ang daddy mo. Gustong sumama sa paghahanap kagabi pero biglang may dumating na bisita. Kliyente niya yata.” sagot ni manong

I just smiled and nodded as a response to what he has said.

After all, work comes first for my dad.

Dapat pa ba kong manibago? Dapat sanay na ko. Mula pagkabata ay ganon naman talaga. Laging inuuna ang trabaho kaysa sakin.

Kagaya nga ng sinabi ko, aanhin ko ba ang lahat ng yaman na ibinibigay nila sakin kung wala naman sila sa tabi ko? Their love, care, and attention would be the greatest gift and treasure they can give me. Not money, not wealth, not material things.

Yung pagmamahal at atensyon na hinahangad ko mula sa kanila ay hindi matutumbasan ng kahit na anong halaga ng pera. Iyong presensya nila at pagiging magulang nila sakin ay hindi mapapantayan ng kahit na anong materyal na bagay na ibinibigay nila.

But all they tell me is they are doing everything for me. Lahat ng 'yon, para sakin. Dapat ba kong matuwa?

Memories of You (Completed)Where stories live. Discover now