Chapter 21: Unrealistic Expectation

721 77 15
                                    

"Faith," tawag sa akin ni Ate Christy bago ko pa man ipikit ang mga mata ko.

"Hmm?" tugon ko nang hindi siya nililingon.

"Close na ata kayo ni Neico ah."

"Hindi naman."

"Palagi nga kayong magkausap eh."

"Uhm, youth leader natin siya kaya nag-o-open ako sa kanya. Okay lang naman, 'di ba?"

"Okay na okay," aniya at bumuntong-hinga. "Pero hindi mo naman siya crush, 'no?" pang-aasar niya.

Nagulat man ako, naibaon ko na lang ang mukha ko sa unan. "Tigilan mo nga ako, ate!" sabi ko. Tumawa naman siya.

"I'm just kidding," natatawang sabi niya. "Alam ko naman na si Kylo ang crush mo," biglang banat niya sa huli.

"Ano?" kunot-noong sabi ko at nilingon siyang muli. "Anong si Kylo? 'Di ko na nga kaclose 'yon eh!"

"Bakit?"

"Wala lang."

"Nag-away ba kayo? 'Di ba kaibigan mo 'yon? Dapat nga niyayaya mo 'yon sa Bible study natin."

Umismid ako at sinabi, "Tsk! Sarili ko nga 'di ko maayos tapos aakayin ko pa siya?" sarkastikong sabi ko at saka nagtalakbong ng kumot.

"Pwede mo naman kasi ipaayos sarili mo. Ayaw mo lang," dinig kong sabi niya.

Napahinga ako nang malalim.

Darating din tayo diyan, ate...

***

Nakikinig lang ako sa kwentuhan ng mga classmates ko na babae na malapit sa pwesto ko habang hinihintay namin na dumating sa classroom ang next teacher namin.

"...Magshota pala si Sir Neico at Ma'am Erich, 'no?"

"Oo, minsan nakikita ko sila na magkasama."

Makikitsismis na nga lang 'tong mga 'to, mali-mali pa, sabi ko sa isip ko at umismid. Hindi magiging shota ni Kuya Neico si Ate Erich. Hindi pwede.

Napalingon sila sa akin kaya napatigil ako. "Faith, 'di ba kasama mo si Sir Neico sa bahay niyo?" tanong ng isa sa akin.

"Minsan lang," walang ganang sagot ko.

"Pinsan mo ba siya?"

Bahagya akong napakunot-noo. "Hindi kami magkaano-ano pero inaanak siya ng Tito ko."

"Ah, gano'n pala."

"At hindi rin niya girlfriend si Ma'am Erich," sabi ko pa.

Napaawang naman ang mga labi nila. "Talaga?" sabi nila nang tila natuwa sa nalaman.

"Yes," naka-poker face na sabi ko. Nagtiliin naman sila kaya napatingin sa kanila ang iba kong kaklase at nagsitawanan.

Natigilan naman sila nang dumating si Ma'am Jessa sa classroom. Nagsibalikan sila sa kaniya-kaniya nilang puwesto. Napabuntong hininga lang ako at komportableng sinandal ang likod ko sa backrest ng upuan ko.

Ilang sandali lang, dumating si Kylo at tumabi sa akin. Hindi ko siya pinansin. Ganoon din naman siya. Palagi kaming ganito sa tuwing nagkakatabi kami. Hindi kami nagkikibuan.

"We will have a long quiz. Get a one whole sheet of pad paper," anunsyo ni Ma'am Jessa.

Dali-daling binuksan ko naman ang bag ko at naghanap ng pad paper. Kinabahan ako dahil bawal ang manghingi sa classmates ko, baka hindi ako ipag-take ng quiz ni Ma'am. That's the rule. Nang ma-confirm ko na wala akong pad paper, inis na sinara ko na lang ang bag ko at umupo nang diretso. Kailangan kong gumawa ng paraan. Lumingon ako sa kaliwa ko dahil nasa kanan ko si Kylo, kay Kia ako bumulong, "May pad ka pa?"

Against Our Willحيث تعيش القصص. اكتشف الآن