Chapter 38: Let Me Die

792 58 12
                                    

Hindi ko alam kung ilang araw na akong walang gana sa lahat ng bagay, maging ang pag-aaral ko ay napabayaan ko na. Kahit na nalalapit na ang final examination namin, hindi ko nagawang magreview. May mga requirements din kami na kailangan ipasa na hindi ko maasikaso, kaya si Kylo ang gumawa ng mga 'yon para sa akin. Nahihiya man ako sa kanya, siya ang nagpumilit kaya hinayaan ko na lang siya. Mas may pakialam pa siya sa pag-aaral ko kaysa sa akin. Malapit na 'ata akong mabaliw.

Nang dumating ang araw ng examination, halos blanko ang mga papel ko. Wala kasi akong masagot, lalo na't halos identification items at essay type ang mga 'yon. Lutang ako sa buong examination.

"Faith, mukhang hindi ka ipapasa ni Mrs. Loisa. Hindi raw niya palalampasin ang mga absences mo," ani Kylo sa akin habang naglalakad kami papunta sa parking lot ng school. Siya na ulit ang kasabay ko palagi sa pag-uwi, hindi na si Kuya Neico. Madalang ko na lang makita si Kuya Neico dito sa school at hindi ko na siya nalalapitan. Hindi rin niya kasi ako napapansin.

Hindi ako tumugon kay Kylo. Parang wala na akong pakialam sa mga nangyayari. Hindi ko na rin talaga alam kung ano'ng nangyayari sa akin.

"Faith, are you really okay?" ani Kylo sa akin. Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako, kaya napatigil din ako.

Matamlay na tumingin lang ako sa kanya.

"Nag-aalala na ako sa 'yo," aniya, at bakas ang pag-aalala sa mukha niya.

"Okay lang ako," tipid na sabi ko at nilampasan siya.

Sumunod naman siya sa akin.

"Hindi ka ba sasama sa Bible study nina Ate Christy at Kuya Bry?" dinig kong sabi niya. "I heard that they will do it today since this is the end of classes."

"Kung gusto mo namang sumama sa kanila, uuwi na lang ako nang mag-isa," sabi ko at tiningnan siya.

Bumuntong-hininga siya at umiling. "Ihahatid kita." Hiwakan niya ang braso ko at inakay ako papunta sa motorbike niya. Nagpatianod lang naman ako.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay nina Tito Alvin, napakunot-noo ako dahil may mga sasakyan na nakaparada roon.

"May bisita 'ata kayo," ani Kylo nang makababa ako.

Hindi naman ako kumibo.

"Una na ako," aniya at pinasulong na ang sasakyan niya.

Pumasok ako sa loob ng bahay at naabutan ko sa sala ang mga elders at leaders ng church. Nagulat ako nang makita ko na naroon din si Tita Flora, ang mama ni Kuya Bry, at si Herley. Pumupunta naman sila minsan dito, lalo na kapag may family bonding kami, pero ngayon lang nagkataon na kasama sila sa meeting ng mga leaders and elders ng church.

Nagmano ako sa mga matatanda.

"Faith, halika rito. May palabok at spaghetti," ani Sister Juliet sa akin na nasa kusina. Binigyan niya ako ng plato at inaya na kumuha ng mga pagkain na nasa lamesa.

Umupo ako sa isa sa mga upuan roon at tahimik na kumain.

Pinilit ko na pakinggan ang mga pag-uusap nila sa sala.

"P'wedeng p'wede na talaga silang ikasal, Pastor," sabi ng isa sa kanila.

"Kaya, papayagan na natin sila na magpakasal," dinig kong tugon ni Tito Alvin.

"Ibibigay ko naman kay Bryan ang bahay namin sa Royalstone Subdivision kaya may tirahan na rin sila." Boses naman iyon ni Tita Flora.

"Okay na okay na pala talaga."

"Gusto ko na ring magkaapo," sabi pa ni Tita Flora.

Nagtawanan naman sila.

"Siguradong matutuwa nito si Kuya Bryan," ani Herley.

Against Our WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon