Chapter 23: Someone Better

955 86 66
                                    

I found Erich outside the classroom I last attended. Sa tuwing nakikita ko siya, parang magnet siya sa paningin ko dahil hindi ko maialis ang mga mata ko sa kanya. She always looks beautiful in my eyes. It is the first time that she waited for me. Maybe she dismissed her class early.

"Hi," I greeted her with a smile on my lips.

"Hi," she greeted back and smiled slightly. "M-maaga natapos ang klase ko," paliwanag niya.

"Good bye, Sir Neico!" paalam sa akin ng mga estudyante ko. I just waved my hand at them.

Nang ibalik ko muli ang tingin ko kay Erich, napansin ko na may dala siyang maleta. Bahagyang napakunot ang noo ko dahil doon.

"Mamaya ko ipapaliwanag," sabi niya nang mapansin niya na nakatingin ako sa maleta niya. Napatango na lang ako.

Sabay kaming lumabas ng school at naghintay ng jeep. Palagi kaming sabay sa pag-uwi dahil iisa lang ang way ng jeep na sinasakyan namin pauwi.

Nang pumara ako, nagpaalam ako kay Erich at bumaba ng jeep. Pero nagulat ako nang malaman kong nakasunod siya sa akin, bumaba rin ng jeep.

Napatawa ako nang mahina. "Naligaw ka ata, ma'am," biro ko sa kanya kahit na nakakapagtaka talaga na rito siya bumaba. Ni minsan kasi hindi pa siya pumunta rito. Ako palagi ang pumupunta sa kanila.

"G-gusto sana kitang makausap," medyo nahihiya na sabi niya.

"About?"

"It's confidential."

I blinked out of curiosity. Medyo kinabahan din ako sa confidential na sinasabi niya. "Okay," sabi ko nalang. "Let's talk somewhere. Not here--"

"I think okay lang naman sa apartment mo," pagputol niya sa akin.

"Pero--"

"I don't wanna talk about this matter in public. I told you... It's confidential."

"You know our church policy," kunot-noong sabi ko.

"I know it. But no one sees us here right now," aniya at luminga-linga sa paligid.

Napabuntong-hininga na lang ako. Sa tingin ko kailangan na nga naming pumasok sa apartment ko bago pa man may makakita sa amin. Ako ang nagdala ng maleta niya at inaya siya na pumasok sa loob ng apartment ko.

Sumilip ako sa bintana. Ilang oras na lang, malapit nang magtakip-silim. Hindi siya pwedeng magpagabi rito. Pagkasara ko ng pintuan, binitawan ko ang maleta niya.

"Do you want something to drink?" I asked her.

"H-huwag ka na mag-abala pa."

"So, anong pag-uusapan natin?"

Natahamik siya sa loob ng ilang segundo at nanatiling nakatitig sa akin, kaya naman nagtitigan kami.

Bahagyang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya bago nagsalita, "Neico, elope with me..."

Napaawang naman ang labi ko sa gulat. Bumilis din ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya kaya hindi ko rin alam kung anong itutugon ko. I'm speechless.

Against Our WillWhere stories live. Discover now