Chapter 36: The Right Woman

770 57 11
                                    

Habang natutulog na ang lahat, narito ako sa likurang bahagi ng bahay kung saan ay mayroong parihabang lamesa at mahabang upuan na yari sa kahoy. Dito ako madalas tumambay tuwing quiet time ko dahil tahimik at maganda ang tanawin. This backyard was a small grass field where children could play outdoor games.

I was gazing at the night sky while feeling the cold air. The heaven could see how bothered I was at the moment.

I closed my eyes and took a deep breath as I tried to relax my mind.

Faith's face flashed through my mind.

Heart is deceitful... I knew I couldn't trust this little thing in my chest.

Narinig kong bumukas ang back door ng bahay at niluwa niyon si Pastor Alvin. Napaupo ako nang diretso dahil doon.

"Tapos ka na ba manalangin?" aniya at sumulyap sa Bible ko na nasa lamesa. He knew that I loved praying here.

"Opo," tugon ko.

"P'wede ba tayo mag-usap saglit?" aniya at lumapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko.

"Tungkol saan po?" tanong ko.

"Kay Faith."

Bahagya akong napakunot-noo. I didn't know why I suddenly got nervous.

"Bakit po?"

Seryoso siyang tumingin sa akin. "Huwag mo sanang mamasamain itong sasabihin at ipapayo ko sa 'yo... Pero napansin ko kasi na masyado kayong malapit ni Faith sa isa't isa," panimula niya. Lalo ata akong kinabahan dahil doon.

Last time, he had seen me holding his niece's hand. Hindi niya ako tinanong tungkol doon kaya akala ko palalampasin niya.

"Naintindihan ko naman na inaabot mo siya at gusto mong i-direct siya sa Panginoon dahil nasa mga kabataan ang puso mo at itinuturing mo si Faith bilang isang nakababatang kapatid. Pero..." Saglit siyang napatitig sa akin bago muling nagsalita, "Maging sensitibo ka sana, anak. Matuto ka ring dumistansya. Hindi naman sa binibigyan ko ng malisya ang pagiging malapit ninyo sa isa't isa, pero baka kasi magkaroon ng romantic feelings ang bata sa 'yo kahit na wala ka namang intensyon na ganoon sa kanya," malumanay na sabi niya.

Napalunok lang ako at napatitig sa kanya, pinakikinggan nang mabuti ang mga sinasabi niya.

"Pastor mo ako, Neico, at itinuturing kitang anak, kaya gusto kong protektahan ka sa ano mang bagay na p'wedeng makasira sa 'yo bilang isang pastor. Pastor din ako at pinagdaanan ko ang buhay-binata, kung saan aandar ang pagiging mapusok ng kabataan. 'Yan ang stage na maraming tukso at pain ang diyablo. At narito ako para gabayan ka," paglilinaw niya.

Tumango ako bilang pagtugon.

"Hindi ko alam kung talaga bang mayroon something sa inyong dalawa ni Faith... Mayroon ba?" tanong niya.

"Wala po, Pastor," I honestly answered. Wala naman talaga. Faith and I never talked about anything romantically. Never akong nagpakita ng motibo sa kanya.

Tumango-tango siya. "Naniniwala ako sa 'yo. Pero ang tanong... Kay Faith ba walang something?"

Napatigil ako bigla at napaisip nang malalim. Nag-flashback sa isip ko ang mukha ni Faith sa tuwing nahuhuli ko siyang tumitingin sa akin. I knew there was something...

"'Yan ang gusto kong ipaunawa sa 'yo, Neico." Muling nagsalita si Pastor Alvin. "Faith is still young. Bigyan mo siya ng consideration sa bagay na 'yan. Pinagdaanan mo rin ang kabataan kaya alam kong nauuwaan mo ang gusto kong sabihin."

"Opo, Pastor," tugon ko.

"Ipalagay na natin na may gusto sa 'yo 'yong bata at umaasa siya sa 'yo, huwag mong hayaan na lumalim iyon at malagay ka sa alanganing sitwasyon," payo niya.

Against Our WillUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum