Chapter 6: Regrets and Blames

1K 77 7
                                    

Pinindot ko ang doorbell ng bahay nina Kylo. Mula rito sa gate, nakita ko ang ilang mga bisita sa labas ng bahay nila. Maraming sasakyan na nakaparada sa gilid ng daan kaya paniguradong marami siyang bisita. May kalakihan ang bahay nina Kylo dahil may kaya sa buhay ang mga magulang niya. Engineer ang papa niya at master teacher naman ang mama niya.

May isang babaeng nagbukas ng gate, at 'yon si Tita Kyla, ang mama ni Kylo. "Faith, kanina ka pa hinihintay ni Kylo," anito sa akin.

"Good evening po, Tita Kyla. Nasaan po siya?" Lumapit ako rito at nagmano.

"Nasa loob. Halika, pumasok ka."

Sinamahan niya akong pumasok sa loob ng bahay. Medyo nakaramdam ako ng hiya dahil hindi ko kakilala ang mga naroon. Dumiretso kami sa bandang likuran ng bahay nila na may patio at naguumpukan roon sa isang pabilog na lamesa ang ilang mga kabataan. Dahil gabi na, may mga palamuting ilaw doon.

"Kylo, narito na si Faith," ani Tita Kyla kay Kylo na kasalukuyang nakikipagkuwentuhan sa mga bisita niya.

"Hey, Faith!" bati niya sa akin nang makita niya ako. Lumapit siya sa akin. "I forgot to tell you that it's an overnight. Free ka ba?"

"Tumakas lang ako kay Kuya Neico. Pero siguro naman tulog na siya sa mga oras na ito."

Hindi na rin naman ito bago. Tumakas na rin ako dati kay Kuya Neico, noong nagkaroon din ng crusade sina Ate Christy sa malayong lugar. Gumimik kami noon ni Gianna. Wala naman silang nagawa. Saglit lang naman kasi magalit si Ate Christy.

"Tara, kain ka muna sa kusina," aniya at dinala ako sa kitchen area ng bahay nila. Naroon ang mga pagkain na handa para sa kaarawan niya.

Kumuha ako roon nang mabigyan niya ako ng plato. Bigla ko namang naalala si Gianna nang makita ko ang lumpia sa mga handa. Nakakalungkot isipin na hindi na namin siya kasama ni Kylo. Kapag ganitong birthday ni Kylo palagi kaming magkakasama.

"Paano kaya kung buhay pa rin si Gianna hanggang ngayon?" sabi ko kay Kylo at saka umupo sa isang bangko.

Bumuntong-hininga siya at sinabi, "Siguradong uubusin niya 'yang lumpia sa lamesa,"

Napabuntong-hininga lang din ako at nagsimulang kumain. Umupo naman si Kylo sa upuan na katapat ko lang.

"Girlfriend mo 'yan, Kylo?"

Napalingon kami sa may katandaang babae na dumating sa kusina, may dala-dalang mga plato na pinagkainan.

Tumawa si Kylo at tumugon, "Anong girlfriend, Tita? Mas lalaki pa 'to sa akin." Napatawa ako sa sinabi niya.

"Ang ganda namang lesbian niyan," sabi ng tita niya; pagkatapos ay ngumiti sa akin at saka umalis.

Tumawa lang nang mahina si Kylo at binaling ang tingin sa akin. "That was ridiculous."

Napangisi lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos ako, bumalik kami sa likuran ng bahay nina Kylo at nakisali sa mga bisita niya na nag-uumpukan doon sa isang lamesa. May mga baso roon at mga wine. Nag-iinuman sila.

"Guys, this is Faith, my friend."

Tinanguan ako ng iba sa kanila at nginitian. They are Kylo's cousins and friends. Pinaupo nila ako sa isang upuan roon.

"Ilang taon ka na Faith?" tanong sa akin ng lalaking katabi ko. Sa tingin ko ay matanda ito sa akin nang ilang taon. Maputi ito at maningkit-ningkit ang mga mata.

"17," tugon ko. Pero hindi halatang 17 pa lang ako dahil medyo matangkad ako.

Tumango-tango ito. "Bata ka pa pala," anito sa akin. "Bigyan ninyo si Faith ng isang baso," sabi nito sa mga kasama namin. Inabot naman sa akin ang isang baso ng red wine.

Against Our WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon