Chapter 30: Unexpected Gift

704 54 33
                                    

Ilang minuto akong nakatulala lang sa mga regalo na nasa gilid ng kama. Kalaunan, napakurap ako nang mag-flashback sa isip ko ang nangyari kagabi sa party. Nang mapatingin ako sa gown ko, nagrepleka sa isipan ko ang itsura ko kagabi sa event habang suot-suot ko 'yon. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob na suotin iyon...

Pero isang bagay ang pinanghawakan ko - gagawin ko iyon para ipakita sa Diyos na hindi ko ikahihiya ang pagbabago na ginagawa Niya sa buhay ko.

That was my first step - to become a lady, not a lesbian anymore.

Napatigil ako nang pumasok si Ate Christy sa kwarto. Napangiti siya nang makita niya ako.

"Buksan na ba natin?" aniya at ngumuso sa mga regalo na nasa gilid ng kama.

Hindi naman ako tumugon.

Naglakad siya palapit sa kama at umupo roon. Sumunod naman ako sa kanya at umupo rin sa kama.

"Syempre, uunahin natin 'yung bigay ni Neico," aniya na may halong pang-aasar. Napasimangot ako dahil doon.

Dinampot niya ang box na regalo na kulay silver ang wrapper, tila alam na alam niya na 'yon ang regalo ni Kuya Neico.

"Talagang alam mo pa, ate, kung saan diyan ang regalo niya, huh?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"Nakita ko na binalot niya 'to kaya alam ko," nakangising sabi niya at tila nagpipigil ng ngiti.

Inagaw ko naman 'yon sa kanya at ako ang nagbukas. Pinanood lang niya ako.

Nang buksan ko ang box, bumungad sa akin ang isang damit na kulay puti. Nang kuhanin ko iyon at niladlad, napuno ng tawa ni ate Christy ang buong kwarto habang ako naman ay napa-poker face lang.

Kainis! Bakit dress? Ni hindi nga ako nagsusuot ng ganito, at alam 'yon ni Ate Christy kaya tawang-tawa siya ngayon.

Maganda ang dress at mahaba iyon. Simple lang pero maganda. May tali iyon sa baywang at sa tingin ko ay iri-ribbon iyon sa likuran.

Kinuha niya ang dress at saka tinapat sa katawan ko para isukat. "Bagay mo, oh!" aniya pero pang-aasar naman.

Hinawi ko naman ang kamay niya at sumimangot. Umismid ako at tumalikod sa kanya.

"Uy! Ayaw mo 'to? Magtatampo niyan ang Baby Neico mo," aniya pa. Naramdaman ko naman ang pag-init ng pisngi ko dahil sa term na ginamit niya kay Kuya Neico.

"Tigilan mo nga ako, ate!" kunwari'y inis na sabi ko.

"Ito dapat ang isuot mo bukas," aniya. Linggo kasi bukas.

"Ayaw ko! Hindi ko susuotin 'yan! Tama na 'yung nag-gown ako kagabi sa debut ko."

"Ganda pa naman."

Umismid lang ulit ako.

Si Kuya Neico talaga... Suportado talaga siya sa pagiging babae ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa, pero hiya ang sumasakop ngayon sa sistema ko.

Hay... Bakit ang hirap harapin ng pagbabago?

Nang matapos kami ni Ate Christy sa pagbukas ng mga regalo, lumabas kami ng kwarto para mag-almusal.

Napalunok ako nang makita ko si Kuya Neico na naghahanda ng mga pagkain sa lamesa. Umupo kami ni Ate Christy at kumuha ng kaniya-kaniya naming plato. Kalaunan, lumabas din si Pastor Alvin sa kwarto niya at nakisalo sa amin.

Nang umupo si Kuya Neico sa pwesto niya, doon nagkasalubong ang mga mata namin. Bahagya lang siyang ngumiti sa akin bago ibinaling ang kanyang tingin sa mga pagkain na hinain niya.

Against Our WillWhere stories live. Discover now