Chapter 33: Seven Years Gap

778 57 14
                                    

Neil Cole Narvaez
Active Now

12:02

Tulog na

Ikaw rin haha

Haha I'm compiling my
students' quizzes and
activities pero malapit ko
nang matapos

Ah okay

Take your time kuya

Tulog na

Sige haha

Good night

Good night

Simula noong magkausap kami sa chat ni Kuya Neico, nagtuloy-tuloy iyon. Palagi niya akong kinukumusta at pinapaalahanan sa chat. Pero sa tuwing siya ang unang nagcha-chat sa akin, pigil na pigil ang mga ngiti ko.

Nagising ako nang maaga at naabutan ko si Tito Alvin sa kusina, nagkakape. Mukhang napuyat ata si Kuya Neico. Kadalasan kasi sabay silang nagkakape ni Tito Alvin nang madaling araw.

Dumiretso ako sa banyo para maghilamos. Nang matapos ako, niyaya ako ni Tito Alvin na mag-almusal, kaya umupo ako sa katabing upuan niya. Tahimik lang akong kumuha ng tinapay at pinalamanan ng itlog.

"Darating mamaya sina Pastor Ed," ani Tito Alvin.

"Buti umuwi po sila sa Pilipinas?" tanong ko.

"Ni-request kasi siya sa kasal ng kaibigan niya bukas. Siya ang magkakasal," tugon niya.

"Kasama po ba sina Ate Blessed at Martha?" tanong ko ulit.

"Oo, kasama sila."

Kaedaran lang ni Ate Christy si Ate Blessed, habang si Martha naman ay kababata ko, kasama ko dati sa Sunday school. Ang kaso, minsan na lang sila umuwi ng Pilipinas kaya medyo nagkakahiyaan na rin kami sa isa't isa.

Napatingin kami sa pintuan ng kwarto ni Pastor Alvin nang bumukas iyon at niluwa si Kuya Neico na bagong gising lang. Bahagya siyang ngumiti nang makita niya ako.

Ba't ang pogi pa rin kahit bagong gising?

"Good morning," bati niya sa amin ni Tito Alvin.

"Good morning. Kain ka na rito," ani Tito Alvin sa kanya.

Tumango naman siya bago dumiretso sa banyo. Kalaunan, nag-almusal siya kasama namin.

Nang matapos kami, naligo na ako at nag-ayos para makapaghanda papuntang eskwelahan. Gayon din si Kuya Neico.

Ramdam ko na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko nang makita ko si Kuya Neico na naghihintay sa living room habang nakaupo sa sofa.

Heto na naman...

Magkakalapit na naman kami...

Mahahawakan ko na naman siya...

At maaamoy ang mint perfume niya...

"Let's go," aniya at tumayo.

Against Our WillDonde viven las historias. Descúbrelo ahora