Chapter 12: The Yellow Box

906 86 25
                                    

Nakasimangot na naman ako habang nakikinig ng preaching ni Pastor Alvin. Kahit sino siguro ang mapunta sa position ko maasar din. Nagfe-facebook lang naman ang katabi ko, at sa kabilang banda ay may naglalaro ng mobile games. Nasa bandang likuran kasi kami kaya kitang kita ko ang ginagawa ng ilang mga kabataang narito. Hindi sila namomonitor dahil seryoso sa pakikinig ang mga leaders.

Tumayo ako para pumunta ng CR. Nag-excuse ako sa mga nadaanan ko. Nang makarating ako sa comfort room area, may mga kabataan akong nadaanan na nagpipicturan sa harapan ng salamin. Napatigil sila nang makita nila ako.

"Hello, Faith!" bati nila sa akin. Kilala nila ako dahil matagal na rin silang nag-aattend dito. Hindi na sila baguhan kaya kilala ko na rin sila. Hindi ko nga lang sila kaclose. Ang isa sa mga ito ang nakitaan ko ng isang green shared post sa FB.

Dahil ayaw ko silang sungitan, binati ko sila pabalik, "Hi," tipid lang na sabi ko at dumiretso sa isang cubicle.

"Tara na. Balik na tayo sa loob," dinig kong sabi ng isa. Nang makalabas sila, tumahimik ang CR.

Nakakadismaya talaga ang mga kabataan dito. Si Kuya Neico ang youth leader kaya dapat namomonitor niya sila. Alam ko naman na hindi madali ang maging tagapanguna, pero sana naman kahit ang simpleng paggalang lang sa Salita ng Diyos natuturuan sila. Nakakatisod. Nakakawalang gana maniwala ulit. Kung hindi lang talaga ako nahihiya kay Tito Alvin baka matagal na akong hindi nag-attend dahil sa mga nakikita ko. Nagkakaroon ako ng rason para hindi na muling maniwala sa Kristiyanismo. Puro mga mabulaklak lang naman ang bibig ng karamihan sa mga Kristiyano. It's just easy to pretend that you are holy, but I won't waste my time for that game. Para saan pa? Para masabi na maka-Diyos ako? Mas gusto ko nang ilitaw ang bulok ko kaysa paniwalain ang mga taong nasa paligid ko na isa akong anghel.

Ang problema sa ibang mga Kristiyano, sinasabi nilang mahal nila ang Diyos pero hindi naman 'yon nakikita sa mga gawa at pag-uugali nila. Saka mo na sabihin na mahal mo ang Diyos, kapag hindi ka na ipokrita.

***

"Malapit na ang debut mo. Anong theme ang gusto mo?" tanong ni Ate sa akin habang nagtutupi kami ng mga bagong laba na mga damit namin.

Kakauwi lang namin galing ng church. Nauna kaming umuwi dahil may extension service pa na pinuntahan si Pastor Alvin.

"Ayaw kong magcelebrate," nakasimangot na sabi ko sabay lapag ng mga damit na natupi ko sa kama.

"Bakit naman?"

"Basta," sabi ko.

Tumayo ako at kinuha ang lahat ng damit ko. Pinasok ko ang mga 'yon sa cabinet ko. Pagkatapos, sumampa ako sa kama at kinuha ang cellphone ko na nakapatong sa bedside table. Binuksan ko ang Tiktok app ko at nanood ng mga videos doon. Nakita kong may mga new videos si Kylo na sumasayaw. Parang naudyok tuloy ako na gumawa din ng new video.

"Faith, inaabangan ng mga kabataan ang debut mo kaya kailangan mong magcelebrate," dinig kong sabi ni Ate.

"Hayaan mo sila. Basta, ayaw ko," masungit na sabi ko.

"Pagbigyan mo na sila."

"Bakit? Birthday ba nila 'yon?" sarkastikong sabi ko. "Tsaka, puro kadramahan lang naman ang debut eh. May pawish-wish pang nalalaman, eh wala namang maiaambag wish nila sa future natin. Sarili pa rin ang nagsisikap para umasenso," sabi ko at saka bumalik ako sa panonood ng mga videos.

Isa pa, ayaw kong magsuot ng gown, kaya ayaw ko talagang magdebut. Siguradong pagtatawanan ako ni Kylo 'pag nagkataon.

Huminga siya nang malalim at hindi nakasagot sa sinabi ko. "Bakit ganyan ka?" malungkot na tanong niya sa akin.

Against Our WillWhere stories live. Discover now