Chapter 37: Heart is Deceitful

790 69 9
                                    

Christy left the room to get the first aid kit. Mayamaya lang, bumalik din siya na dala-dala iyon.

"Halika, linisin natin ang sugat mo," aniya kay Faith na umiiyak pa rin hanggang ngayon. We didn't know the exact reason.

Christy and I both knew that Faith wasn't a crybaby, so we were really confused why she was crying like this. Actually, ito ang unang beses na nakita ko siyang umiyak nang ganito. She was even hiccuping.

She just let Christy clean her wounds.

Gusto ko sana siyang kausapin dahil bukas na ang alis ko, pero hindi ako makakuha ng pagkakataon dahil hindi niya ako tinatapunan ng tingin. She seemed ignoring me.

Nang matapos si Christy sa paglilinis ng sugat niya, lumabas ito ng kwarto para ibalik ang first aid kit at itapon ang mga ginamit na bulak at mga band aids.

Faith wasn't looking at my direction, so I made a way to get her attention. Pum'westo ako sa direction kung saan siya nakatingin, dahilan para mapatingin siya sa akin. Kita ko ang mukha niya na basa ng luha.

"Faith, can we talk?" I told her.

Napatitig siya sa akin saglit bago nag-iwas ng tingin.

"I don't know what is your problem. But if you don't want to open it up to me, I understand. However, I hope you'll be okay before I leave. Hindi ako makakaaalis na payapa ang kalooban ko kung ganito ang kalagayan mo," may pakikiusap na sabi ko sa kanya.

She didn't respond.

Bumuntong hininga ako at napatingin sa kaliwang kamay niya. Nabigla siya nang abutin ko iyon para tingnan ang pulso niya. Pero ako naman ang ang nabigla at natigilan nang makita ko roon ang tatlong guhit ng laslas.

Parang may gumuhit na sakit sa dibdib ko dahil sa nakita ko. I gulped when different emotions started to fill my system.

Nilipat ko ang tingin ko kay Faith, muling nagsitulo ang mga luha sa mga mata niya habang nakatitig sa akin.

"Sorry..." mahinang sambit niya.

Binitawan ko ang kamay niya at nag-iwas ng tingin. Masakit para sa akin ang ginawa niya. Bukod sa ayaw ko na sinasaktan niya ang sarili niya, hindi niya sinunod ang bilin ko sa kanya na huwag niya nang dagdagan ang mga bakas ng laslas niya.

"Sobrang lungkot ko kasi... Namamanhid ako.... Ayaw ko ng gano'n... Ayaw na ayaw ko..." umiiyak na paliwanag niya.

Malungkot na tinapunan ko siya ng tingin at sinabi, "Naintindihan kita..." Nag-iinit at namamasa ng ng mata ko pero sinikap ko na kontrolin ang emosyon ko.

I truly understood her... but I couldn't take it anymore.

Tumayo ako kaya napaangat siya ng tingin sa akin.

"I'll be right back," I said.

Tumalikod ako sa kanya at naglakad palabas ng kwarto. Naabutan ko si Christy sa labas, tila hinihintay niya na matapos ang pag-uusap namin ni Faith sa loob.

"Pwede ba tayong mag-usap saglit?" sabi ko sa kanya.

Pumayag naman siya, kaya umupo kami sa sofa ng living room.

"May gusto lang sana akong i-open tungkol kay Faith," paninimula ko.

She nodded her head.

"You are aware that Faith and I have become close to each other when I started staying here, right?"

"Yes," tugon niya.

"And I grabbed the opportunity to counsel her..." Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita, "I know you understand my heart as a pastor. Every soul matters to me. Every youth matters to me. And Faith is one of them..."

Against Our WillWhere stories live. Discover now