Chapter 35: Pastor's Eyes On Us

727 54 16
                                    

"Shame on me if you want me more than Christ..."

Yes, it's a shame for a pastor like him. Ang intensyon lang naman kasi niya ay ilapit ako sa Diyos o tulungan ako na makabalik sa Diyos dahil 'yon ang layunin niya bilang isang lingkod ng Diyos. Pero mukhang hindi ganoon ang nangyari. Sa kanya ako napalapit, hindi sa Diyos. Palagi naman niya akong binabahaginan ng Word of God at si Cristo naman ang palaging bukambibig niya. Kaya, nasa akin talaga ang problem, hindi sa Diyos, ni kay Kuya Neico.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapanalangin. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapagbasa ng Bibliya nang maayos dahil madalas walang pumapasok sa kokote ko at nakakatulugan ko lang.

"I hope you understand me, Faith," sabi niya sa akin.

Malungkot na nag-angat ako ng tingin sa kanya. Naintindihan ko naman siya, e. Ang sarili ko ang hindi ko maintindihan kung bakit ang tigas ng ulo ko.

"Magagalit ka ba sa akin, Kuya, kung hanggang ngayon hindi ako makalapit sa Diyos?" sabi ko sa kanya.

Napalunok siya at napatitig sa akin. Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko na parang nasaktan siya sa sinabi ko.

"Naiintindihan kita. Pero sana... magsumikap ka. Matuto kang magpakumbaba sa Diyos. God gives more grace to the humble. Habag na lang ng Diyos ang makakaahon sa 'yo sa sitwasyon mo ngayon. Kung may pananampalataya ka ngayon, dapat may kalakip 'yan na gawa. Kung mananampalataya ka na tutulungan ka ng Diyos, manalangin ka," payo niya.

Tumango ako pero malungkot pa rin.

"Kumain ka na," aniya sa akin.

Sinunod ko naman siya. Sumandok ako ng kanin at ulam. Doon siya nagsimulang kumain na rin.

Pagkatapos naming kumain, siya na ang nagkusa na magligpit ng pinagkainan namin dahil mukhang alam niya na hindi ako okay. Nanatili lang akong nakaupo sa puwesto ko, matamlay. Iniisip ko kasi kung anong magiging kalagayan ko kapag wala na siya rito.

"Kuya," tawag ko sa kanya na ngayon ay nagpupunas ng kamay sa towel na nakasabit sa refrigerator.

Nilingon niya ako.

"Next week ka na talaga aalis?" tanong ko.

Tumango siya at tumugon, "Sa Monday na, dahil next week na namin umpisahan ang Bible study doon sa isang pamilya na makakasama kong magtayo ng church doon."

"Paano 'yong pagtuturo mo sa university?"

"Kaya ko naman magbiyahe gamit ang motor ko. Medyo malayo lang, pero kaya naman. Ang mahalaga, doon ako sa lugar na 'yon nakatira para mamonitor ko ang mga taong hawak ko roon. Pinag-aaralan ko pa kung dapat na ba akong magresign sa bakasyon at lumipat sa malapit na school."

"Ah okay..." 'yun lang ang nasabi ko sa mahinang tinig at nagbaba ng tingin.

Umupo muli siya sa isang upuan na katapat ko, dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"I hope and pray you'll be okay someday, Faith. Maybe this time, give your trust to your Ate Christy para siya ang gumabay sa 'yo kapag wala na ako."

Umiling ako. "'Di na kailangan." Medyo masungit ang pagkakasabi ko niyon. Alam kong wala akong karapatang magtampo sa pag-alis niya pero 'yon ang nararamdaman ko.

"Pero nag-aalala kasi ako na baka bumalik ka ulit sa dati," aniya.

Nag-iwas ako ng tingin.

Bumuntong-hininga siya at tumayo. Napatingala ako sa kanya nang lumapit siya sa akin at kinuha ang kamay ko. Nagulat ako dahil doon, kaya naman kumakabog ang dibdib ko habang pinagmamasdan siya na tinitingnan ang bakas ng mga laslas sa pulsu-pulsuhan ko.

Against Our WillWhere stories live. Discover now