Prologue

3.6K 123 29
                                    

Wala sa sariling nakatitig ako sa lubid na nakasabit sa kisame ng kwarto ko, ngunit may kamalayan ako sa nararamdaman kong bigat sa aking dibdib sa bawat paghikbi ko. Nakapatay ang ilaw kaya madilim ang kwarto ngunit may liwanag na tumatagos sa bintana nito. Ilang minuto akong nanatiling nakaupo sa kama, kinukumbinsi ang sarili ko na kaya ko nang gawin 'to, kaya naman tumayo na rin ako kalaunan at sumampa sa kama. Hinawakan ko ang lubid at nilusot ang ulo ko sa pagkakabilog nito. Patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko habang nag-iipon ako ng lakas ng loob para alisin na ang pagkakatapak ng mga paa ko sa kama. Tila bumigat naman ang bawat paghinga ko at lumakas ang tibok ng puso ko. Humigpit ang hawak ko sa lubid at pinikit ng mariin ang mga mata ko.

"Let's do this, self," usal ko. Gustong gusto ko nang tapusin ang lahat.

Hindi ako takot mamatay dahil matagal ko nang gustong lisanin ang masalimuot na mundong 'to. Ngunit sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang bagay na nais kong limutin sa pagkakataong ito, palagi akong naaalintana at napipigilan sa masamang balak ko.

Oo, alam kong kabobohan itong ginagawa ko, pero naiisip kong gawin ito dahil napapagod na ako sa sarili ko. Ayaw ko na... Pero pang-ilang subok ko na ba ito at hindi ko matuloy-tuloy ang binabalak ko? Hindi ko na matandaan dahil paulit-ulit lamang ang proseso ko.

"You will go to hell."

Palagi na lang akong ginagambala ng katuruang 'yan tungkol sa walang hanggang kamatayan. Ayaw ko nang maniwala. Ilang beses ko nang kinumbinsi ang sarili ko na walang katotohanan ang mga tinuturo ng simbahan. Ngunit maniwala man ako o hindi, mananatili ang katotohanan at mangyayari ang dapat mangyari. People who commit suicide will go to hell. Hindi ko mababali ang katotohanang iyon kahit gumamit pa ako ng mga out of context na verses at pakinggan ko ang mga preachers na mahilig mag-sugarcoat ng Word of God upang kunin ang pabor ng mga Kristiyanong ayaw lumakad sa kabanalan.

Napabuntong-hininga ako at kalmadong minulat ang mga mata ko kaya muli kong natanaw ang madilim na kwarto ko. Nanghihinang binitawan ko ang lubid at binagsak ang katawan ko sa kama kasabay ng muling pagpikit ng mga mata ko. Umalog ang katawan ko nang lumapag ang likod ko sa malambot na bagay.

Bakit ba nalaman ko pa ang katotohanan? bulong ko sa aking isipan. Kung hindi ba ako namulat sa katotohan, exempted ba ako sa paghuhukom ng Diyos? Gusto kong pagsisihan ang pagiging Kristiyano ko. Gusto kong sisihin ang mga pastor na nagbahagi sa akin ng katotohanan. Ngunit kapag sumasagi sa isipan ko si Papa, lumalambot ang puso ko. Si Papa ang dahilan kung bakit lumaki akong bitbit ang katuruan ng Bibliya, dahil tagapagturo siya nito. Pinanganak ako sa mundo ng Kristiyanismo sapagkat pastor siya ng mga Kristiyano. Ngunit anong nangyari sa kanya? Namatay siya nang dahil sa mga kapwa niya Kristiyano.

Ang sabi nila: "Everything happens with a purpose." Anong purpose ba iyon? Layunin ba ng Diyos na maging ulila ako? Ano pa bang gustong mangyari ng Diyos sa buhay ko? Hindi Niya ba nakikita na hirap na hirap at pagod na pagod na ako sa buhay ko? Kung hahayaan lang din pala niyang maging miserable ang buhay ko, bakit hinayaan niya pang mabuhay ako sa p*nyemas na mundong 'to? Sana kinuha na lang din Niya ako noong kinuha Niya si Mama habang pinapanganak ako. Hindi sana nabuhay sa mundo ang Faith na ngayon ay nanunumbat sa Diyos at galit na galit sa mundo...

Wala sanang Faith na pupunta sa impyerno.

Against Our Willजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें