Chapter 9: Team Work

859 76 3
                                    

"Hiramin mo na lang ang lectures ko. Prelim examination na natin next week," ani Kylo habang sabay kaming naglalakad papuntang canteen.

"Next week na?" gulat na sabi ko.

"Yes."

Bahagyang naningkit ang mga mata ko nang makita kong maraming estudyante ang nakatambay sa harap ng dean's office.

"Anong meron?" tanong ni Kylo sa isang babaeng estudyante na naroon.

"May inaabangan lang sila. May mga dumating kasi dito na dalawang gwapong lalaki at isang babaeng kulot. Sikat daw noon 'yung isang lalaki. Nandiyan sila sa dean's office," tugon nito. Sa pagkakadescribe pa lang nito, alam ko na kung sino ang mga tinutukoy nito.

"Ah," sabi lang ni Kylo.

Nagpatuloy kami sa paglakad. Nilampasan namin ang mga estudyanteng naroon at tinahak ang daan papunta sa canteen.

"Sina Ate Christy siguro ang mga 'yon," sabi ko kay Kylo.

"What are they doing here?"

"Magkakaroon kasi ng campus ministry dito, tulad daw ng ginagawa nila rito noong nag-aaral pa sila rito."

"Campus ministry?" tanong niya nang may pagtataka. He knows nothing about Christian activity.

"Oo. 'Yung kakanta kayo ng Christian songs at mag-aaral ng Bible."

"Well, pastora ata ang ate mo eh."

"Oo."

Dumiretso kami counter at bumili ng tig-isa naming burger at softdrink. Naghintay kami ng ilang saglit bago namin nakuha ang mga 'yon. Umupo kami sa isang table.

Napalingon ako sa entrance ng canteen nang makita kong may dumating na mga hindi nakasuot ng school uniform. Maging ang ibang mga estudyanteng nasa canteen ay napatingin din sa kanila. Hindi na ako nagtaka nang malaman kong sina Kuya Bry, Kuya Storm at Ate Christy 'yon. Kahit sino siguro ay mapapalingon sa kanila dahil ang gwapo naman talaga nina Kuya Bry at Storm. Mukha silang artista.

"Are you sure? Dito na lang tayo kakain?" tanong ni Kuya Bry sa kanila.

"Yeah, pwede na rito, bro," tugon naman ni Kuya Storm. "Diretso rin kasi ako sa trabaho mamaya."

"Namiss ko ang Carbonara dito. Tara, order na tayo," ani Ate Christy.

Dumiretso naman sila sa counter para mag-order.

"Ang ganda ng ate mo. Siguro pag nasa ganyang edad ka na, ganyan ka rin. You two are look alike," nakangising sabi ni Kylo sa akin.

Madami ngang nagsasabi na kamukha ko si Ate―malamang, magkapatid kami eh. Mas maamo nga lang ang mukha ni Ate kumpara sa akin.

"Ang kaso nga lang hindi ka binibini tulad niya. Ginoo ka," aniya at tumawa.

Napailing lang ako.

Nakita kong papalapit sa lokasyon namin sina Ate, dahil naghahanap ang mga ito ng mauupuan, bitbit ang mga order nila na nasa tray.

"Faith!" nabigla ako nang batiin ako ni Kuya Storm. Napansin ako nito.

Napangiti si Kuya Bry at Ate Christy nang makita nila ako. Lumapit sila sa amin ni Kylo.

"Pwede ba kaming makishare ng table sa inyo?" nakangiting tanong ni Ate Christy sa amin.

"Sure," nakangiting tugon naman ni Kylo. Kasya kasi ang anim na katao sa table namin.

Tumabi sa kanan ko si Ate Christy at sa kaliwa ko naman ay si Kuya Storm, habang si Kuya Bry naman ay sa tabi ni Kylo.

"Thank you, Lord, for this food," dinig kong mabilis na panalangin ni Kuya Storm.

Against Our WillKde žijí příběhy. Začni objevovat