Chapter 11: Cheating

941 77 13
                                    

Wala ako sa mood nang magising ako, kaya kahit hindi ko nakikita ang sarili ko, alam kong nakasimangot ako. Bukod sa napuyat ako dahil sa pagrereview ng mga lectures ko dahil exam na namin ngayon, kagabi pa talaga ako bad trip. Dumagdag pa 'yung hirap akong intindihin ang lectures ni Kylo. May mga words na ang hirap intindihin. Medyo maliit kasi ang sulat niya at may mga part pa na may mga spaces o 'di natuloy na mga sentences. Siguradong nahuli siya sa dictation.

Pansin ko ang pagsulyap-sulyap sa akin ni Ate Christy habang nag-aalmusal kami. Alam niya kung anong problema ko. Ganito naman ako palagi sa tuwing bumabalik ang sa isip ko ang nangyari kay Papa. Pero hanggang kailan nga ba ako magiging ganito? Minsan, nakakasawa na rin magalit sa mundo. Pero mas nakakasawa marinig ang salitang "hayaan mo na sila" mula kay Ate. Hindi madali eh. Mahirap hayaan ang isang bagay na paulit-ulit na nagdudulot ng kalungkutan at galit sa 'yo sa tuwing naaalala mo.

Nang makapag-ayos na kami ni Kuya Neico, sabay kaming nagpaalam kay Tito Alvin. Tuloy-tuloy na sana akong lalabas ng gate nang makita ko si Kuya Neico na tinungo ang motor niya, a cool model of motorbike. Pinasulong niya iyon at saka lumabas ng gate.

"Paki-sara na lang ang gate," masuyong pakiusap niya.

Sinunod ko naman siya. Sinara ko ang gate. Nang matapos ako, lumapit ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano ako sasakay. Medyo mataas pa naman iyon.

"Patagilid ka sumakay," aniya.

Nagdalawang isip pa ako sa sinabi niya bago ko sinunod. Sumakay ako patagilid. Ang kaso, hindi ako komportable, parang mahuhulog ako at hindi ko alam kung saan ako hahawak.

"Humawak ka sa akin," sabi niya.

Parang nakakahiyang humawak sa kanya. Pero dahil 'yon ang gusto niya at iyon lang ang alam kong paraan para hindi mahulog, humawak ako sa balikat niya. Ayaw kong umakap sa kanya. Baka akalain pa ng mga estudyante sa Mt. Maybel may something sa amin. As if naman na mukhang pumapatol si Kuya Neico sa bata, bara ng isip ko. Sabagay, wala pa nga ako sa kalingkingan ni Ma'am Erich. Anyway, bakit ba iniisip ko 'yon? 'Di hamak na mas trip ko si Ma'am Erich kaysa kay Kuya Neico.

Nang makarating kami sa eskwelahan, halos napapatingin ang mga estudyante sa amin. Marahil dahil ito ang unang pagkakataon na may kasamang estudyante si Kuya Neico.

Mabilis na nagpaalam din ako kay Kuya Neico at dumiretso sa room namin. Naabutan ko si Kylo na naglalaro ng mobile game. Sa lahat ata ng magte-take ng exam, siya ang palaro-laro lang ng mobile game. Iba talaga 'pag matalino. Umupo ako sa tabi niya.

"Wala ka bang balak magreview? Walang pumasok sa utak ko dahil sa sobrang gulo ng lectures mo," reklamo ko sa kanya. Sumakit ang ulo ko dahil doon.

"Anong magagawa ko, ganoon ang sulat ko?" aniya habang tutok pa rin sa nilalaro niya.

Napabuntong-hininga ako at sumandal sa upuan ko. "Feeling ko mangangamote ako mamaya."

"Huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa 'yo?" aniya. Napangisi naman ako. I trust Kylo when it comes to this. Mabuti na lang talaga matalino siya. Babawi na lang ako sa susunod.

Tumunog ang bell. Ilang minuto lang ay nagsipasok na ang mga kaklase ko sa room dahil dumating na ang teacher namin. Pero napaawang ang labi ko nang makita ko kung sino ang teacher na pumasok sa room namin. Si Kuya Neico. Nagsitayuan kami.

"Let's bow our heads and let us pray," aniya, kaya nagsiyuko ang lahat. Sinimulan niya ang panalangin niya. Nakakapanibago na hindi iyon "Our Father" kundi sariling panalangin niya. Halatadong may future siya sa pagiging pastor. ". . . In Jesus name, everybody says. . . Amen," pagtatapos niya sa panalangin. "Good morning, class," bati niya sa amin nang bahagyang nakangiti.

Against Our WillOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz